LJ Reyes: Hindi ko inakalang masasaktan ako at ang mga bata nang ganu'n... | Bandera

LJ Reyes: Hindi ko inakalang masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n…

Ervin Santiago - September 06, 2021 - 11:03 AM

LJ Reyes at Paolo Contis

PINUSUAN, ni-like at ni-repost ng maraming netizens ang bagong “hugot” ni LJ Reyes na ibinahagi niya sa kanyang Instagram followers.

Ito ang unang IG post ng Kapuso actress at TV host mula nang aminin niya sa buong universe na totoong naghiwalay na sila ni Paolo Contis. Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si LJ kasama ang kanyang dalawang anak.

Naging “national issue” ang break-up ng dating magkarelasyon matapos magpa-interview ang aktres kay Boy Abunda kung saan matapang niyang inamin na hindi “mutual” ang paghihiwalay nila ng aktor tulad nang unang napabalita.

Sa latest IG Story ng celebrity mom, ibinahagi nito ang isang passage mula sa Scripture kung saan nakapaloob ang mga katagang  “the house that is built by the Lord.”

“Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain. Unless the Lord watches over the city, the guards stand watch in vain,” ang mensaheng ibinahagi ni LJ mula sa Psalm 127:1 NIV, o ang “The Pilgrim Song of Solomon.”

Muling bumuhos ang mga positibong mensahe at komento mula sa mga netizens at nagkakaisa sila sa pagsasabing malalampasan din ng aktres ang mga pinagdaraanan niya ngayon at siguradong mapaparusahan ang tunay na nagkasala.

Wala pa ring sagot si Paolo sa mga naging pahayag ni LJ, lalo na sa sinabi nitong si Paolo ang talagang nagdesisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.

“No, hindi siya mutual. Naniniwala ako kapag mutual isang decision, pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work ‘yung relationship. Hindi po, e. Ramdam na ramdam ko naman po na ibang-iba na. Matagal ko na nararamdaman na nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po ‘yun.

“Pero honestly, ako ‘yung nagsabi na parang nasa ibang mundo na po siya, at parang pakiramdam ko na hinihintay lang niya na manggaling sa akin.

“Umabot sa point na nag-break na kami. Pero after a few days, na-realize ko na hindi puwedeng ganito, may mga bata. Nagbaba na lang ako ng pride kahit ako ‘yung nasasaktan. Titiisin ko po ‘yun para sa mga bata. Kasi inisip ko, baka kailangan nila ng complete family.

“Tinanong ko siya, if he wants to take us back. Pero hindi na daw,” aniya pa.

Kinausap din daw niya ang aktor tungkol sa napapansin niyang pagbabago, “Yes, po. A lot of times. Are we okay? Parang iba ka. Hindi ko na napi-feel ‘yung dating ikaw or ‘yung treatment mo sa amin.”

“Sasabihin niya, ‘Akala mo lang ‘yun. Ganu’n pa rin naman.’ Idi-dimiss lang ‘yung conversation. ‘Yung di ko kilalang Paolo, ‘pag kausap ko siya the past months, parang lumulusot lang. Sinabi ko rin sa kanya, ‘I feel so alone already. Hindi ko naiintindihan kung ano nangyayari.’ ‘Yun ang pakiramdam ko.”

“Pag nagmahal tayo, nagtitiwala tayo, ‘di ba? ‘Yung buong pagtitiwala, binigay ko. ‘Di ko lubos-akalain na masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n. Gusto mo na lang talagang tanggalin sila sa sitwasyon. Kung kaya ko baguhin lahat, gusto ko mawala sila sa sitwasyon na ‘yun.

“Sa totoo lang, we left because I felt, like, I really need — me, myself and my kids — to get out of the situation physically, para kahit paano matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family. 

“Ang sakit lang isipin that you allowed things to happen. Kasi di mo alam kung saan ka ilulugar. Mahirap kasi ipaliwanag kung hindi ako mag-go into details, pero ayoko gawin ‘yun. I’m still protecting the kids,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At tungkol nga sa isyu ng third party, “I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot. May mga tao who would message me about events, sightings. Pero I would ask him. Siyempre, laging walang confirmation.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending