Ai Ai, Andrew E nagbubunyi sa ‘winning moment’ nina Bongbong at Sara: Ibibigay ni Lord ang the best para sa ating lahat
NAGBUNYI ang dalawang celebrities na matatawag talagang super solid supporter nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nangunguna pa rin sa ginaganap na canvassing of votes para sa katatapos lang ng national elections sina Bongbong at Sara, as of 8 a.m. ngayong araw, April 10.
Napakalayo na ng agwat ng nakuhang boto nina BBM at Sara sa mga kalaban nila sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ng bansa kaya marami ang nagsasabi na tapos na ang laban.
Inaasahang ngayong araw o hanggang bukas ng umaga ay malalaman na kung ano talaga ang opisyal na resulta ng May 9, 2022 elections.
View this post on Instagram
Sa gitna nga ng patuloy na bilangan ng boto, ilang celebrity na ang nagpahayag ng kanilang kaligayahan at pasasalamat sa pagkapanalo ng mga kandidato ng UniTeam party.
Unang-una na nga riyan ang proud Marcos loyalists na sina Ai Ai delas Alas at Andrew E na tuwang-tuwa sa inaasahang tagumpay ng kanilang mga kandidato.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, ni-repost ni Ai Ai ang news article ng New York Times kung saan naka-headline ang malaking lamang ni Bongbong sa mga kalabang presidential candidates.
Sa isa pa niyang IG post, nagbahagi si Ai Ai ng mga kulitan moments nila ni BBM na kuha sa isa nilang campaign rally.
“Congratulations po MR PRESIDENT FERDINAND Bongbong MARCOS JR, (at syempre pa ang ating magandang vice president VICE PRESIDENT INDAY SARA DUTERTE madam hahanap pako maganda nating picture hehe),” ang caption ng komedyana sa kanyang photo na may hashtags na #letsunite, #bagongpagasa, #bagongpilipinas ay #angsayasyanatenditosir.
May isa pa siyang ipinost na quote card na may caption na, “Salamat po … sa lahat ng experiences ko sa buhay pati mga pag subok isa lang napatunayan ko GOD wants the best for me.
“Sya lang lahat nakakaalam ng mangyayre sa buhay naten. Maraming mga pagsubok minsan napakasakit minsan parang hindi ko na kaya pero ang ending parateng maganda para sa buhay ko.
“Hindi lang ito nag apply saken, tingin ko lahat tayo best ang gusto ni Lord para sa aten kaya ibibigay nya ang THE BEST para saten LAHAT.
“Si GOD ang bahala pag sya ang nag desisyun for the best. #happy #bethankfulinallcircumstances #behumblealways #naluluhaako,” aniya pa.
Hindi diretsahang nabanggit ni Ai Ai kung may konek ito sa resulta ng botohan.
Samantala, nag-post naman ang veteran actor-rapper at songwriter na si Andrew E ng red and green heart emojis sa IG na may kalakip na Philippine flag emoji.
Wala mang tinukoy ang singer kung para saan ito, naniniwala naman ang mga netizens na patungkol ito napipintong pagkapanalo nina Bongbong at Sara kasabay ng pagbubunyi ng mga Marcos loyalists sa sinasabi nilang “landslide victory” ng UniTeam.
Isa sa mga nag-comment sa IG post ni Andrew E ay ang kapwa BBM supporter na si Randy Santiago na naglagay ng Philippine flag, hearts at praying emojis.
Ilan pa sa mga nag-congratulate sa UniTeam ay sina Angelika dela Cruz, Jeremy Marquez, Mickey Ablan at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/293034/andrew-e-game-na-game-pa-rin-sa-halikan-sa-pelikula-naka-jackpot-sa-2-seksing-leading-lady
https://bandera.inquirer.net/308022/kahit-hindi-na-magkaibigan-ai-ai-hiling-pa-rin-ang-paggaling-ni-kris-god-bless-her
https://bandera.inquirer.net/312381/ai-ai-bubog-sarado-sa-netizens-dahil-sa-viral-tiktok-video-sayang-ka-nakakahiya-ka
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.