Julie Anne sa lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya: Kilala n’yo naman siguro kung sino yun | Bandera

Julie Anne sa lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya: Kilala n’yo naman siguro kung sino yun

Ervin Santiago |May 10,2022
facebook
share this

Julie Anne sa lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya: Kilala n’yo naman siguro kung sino yun

Ervin Santiago - May 10, 2022 - 07:10 AM

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

SUPER happy kung ilarawan ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang estado ng kanyang lovelife ngayon.

Pero as usual, tumanggi pa rin ang Kapuso actress-singer at TV host kung sino ang lalaking nagpapatibok at nagpapaligaya sa puso niya.

Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang kumpirmahin kung nanliligaw ba o sila na nga ba ng Kapuso actor at TV host na si Rayver Cruz tulad ng mga napapabalita.

“If you’re looking for a specific person, kilala n’yo naman siguro kung sino yun,” ang pahayag ni Julie Anne sa isang panayam.

Sa naunang panayam ng ilang members ng press kay Julie Anne, sinabi nitong, “Mas makakabuti kung siya ang tanungin, mas okay kung sa kanya manggagaling.”

Aniya pa nang tanungin kung gaano ba sila ka-close ni Rayver, “Everyone knows we’ve always been very close, we enjoy each other’s company, and comfortable kami sa isa’t isa.”

Samantala, excited na rin ang dalaga na mapanood ng Kapuso viewers ang muling pagge-guest niya sa guesting niya sa Kapuso sitcom ni John Lloyd Cruz na “Happy To Get Her”.

Kuwento ni Julie Anne, ilang araw din siyang namalagi sa Boracay dahil doon kinunan ang summer special ng nasabing weekly TV series ng GMA 7.

“Pangalawang beses ko nang nag-taping sa kanila and I really enjoy their company. We had fun,” chika ng award-winning singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Hiningan din ang dalaga sa nasabing interview ng reaksyon sa kanyang viral bikini photos na kuha nga sa isla ng Boracay.

“Nakakataba ng puso yung mga comment nila. Parang lately lang talaga ako nakabalik sa beach. More than anything, I really enjoyed that trip,” sabi ni Julie Anne.

Tungkol naman sa kanyang future projects, “I’m working on a track right now with someone I really look up to. I’m really looking forward na ma-release na itong track.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hopefully, may kasunod na uli yung concert ko. And yes, serye, meron po. Pero hindi pa po talaga puwede sabihin ang details. Sa ibang pagkakataon na lang din po,” pagbabahagi pa ni Julie Anne.

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…

Kiray: Sa mga girls, hanapin n’yo ‘yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending