Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya
IBINAHAGI ni Kapuso actress na si Carla Abellana ang kanyang naging karanasan habang nangangampanya sa kanilang lugar ang mga supporters ni presidential candidate Bongbong Marcos.
Sa kanyang Instagram story nitong May 7 ay ikinuwento niya na ang nangyari pagkakagising niya mula sa pagkakatulog dahil sa mg dumadaang motorcade ng mga nangangampanya.
“Yuny kakauwi mo pa lang galing taping at 3 hours ka pa lang tulog mula 8:30 am hanggang 11;39am tapos biglang may motorcade sa labas ng Marcos-Duterte and other local city officials,” pagsisimula ni Carla.
Aniya, sa sobrang lakas daw ng pagpapatugtog nito ay nagising siya sa pagkakatulog kaya sinilip niya kung ano nga ba ang nangyayari sa labas.
“Pagsilip sa labas nakita mong naka-thumbs down ‘yung mga taong sakay ng convoy pagdaan nila sa gate mo,” pagpapatuloy ni Carla.
Nagtaka pa nga nga ang aktres kung bakit naka-thumbs down ang mga taong dumaan hanggang sa maalala niya ang posibleng dahilan.
View this post on Instagram
“Kasi puros LENI-KIKO magnets nga pala ang nakadikit sa gate ko. Natawa na lang ako at nakangiti akong humiga ulit,” sey ni Carla.
Pahabol pa niya, “Yun lang! Good night ulit! Tapos work work work ulit mamaya!”
Hindi naman kataka-taka na ang sinusuportahang kandidato ng pamilya ni Carla ay sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan na mula sa tRoPang Angat.
Matatandaang sa isang Instagram story niya noon ay kinumpirma niya na naging biktima umano ng administrasyong Marcos ang kanyang lolo noong Martial law.
“Our grandfather was detained because the Marcoses wanted our 25-hectare property in Sta. Ana all to themselves,” matapang na pag-amin ni Carla.
Ang pag-aming ito ay nangyari matapos mag-post ng kanyang pinsan na si Samantha Chan ng video ni Boots Anson Roa.
“During Martial Law, my grandfather (like many others) was detained against his will. He didn’t do anything wrong and illegal. He just has a good business and some land that the Marcos administration wanted to take over.
“And he was one of the ‘lucky’ ones, he got out alive. He did not disappear.”
Related Chika:
Jillian Robredo sinigawan habang nangangampanya sa Baguio City
Carla Abellana hindi pa pwedeng gamitin ang tunay na apelyido ni Tom Rodriguez
#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.