Carla Abellana hindi pa pwedeng gamitin ang tunay na apelyido ni Tom Rodriguez | Bandera

Carla Abellana hindi pa pwedeng gamitin ang tunay na apelyido ni Tom Rodriguez

Ervin Santiago |December 13,2021
facebook
share this

Carla Abellana hindi pa pwedeng gamitin ang tunay na apelyido ni Tom Rodriguez

Ervin Santiago - December 13, 2021 - 07:15 AM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

IPINALIWANAG ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi pa niya ginagamit ang apelyido ni Tom Rodriguez kahit legal na silang mag-asawa.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang tunay na pangalan ni Tom ay Bartolome Alberto Mott pero hindi pa nga ito magamit ni Carla sa mga official transactions niya.

Sa bagong vlog entry ng aktres sa kanyang YouTube channel, binanggit niya na hindi pa kasi nari-release ang marriage certificate nila ni Tom kaya Abellana pa rin ang ginagamit niya sa official documents na pinipirmahan niya.

Pati raw ang ang kanyang passport na kare-renew lamang at iba pang government-issued documents ay Abellana pa rin ang nakalagay.

“None of my IDs say Mott (tawag niya kay Tom). For the longest time, it’s going to stay Abellana because my passport says Abellana and it’s valid for ten years.

“Bagong bago lang ang aking passport. Kaka-renew lang so Abellana pa ‘yun for the next 10 years. All my government-issued IDs are still Abellana so I have to write Abellana pa rin,” ang pahayag ni Carla.

Ang pagbabago ng civil status at apelyido ng isang tao sa Pilipinas ay nangangailangan ng marriage certificate at pagtungo sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, kabilang na riyan ang Department of Foreign Affairs (DFA).

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Desisyon din daw ni Carla na huwag tanggalin ang Abellana sa kanyang mga social media accounts tulad din ng iba pang local celebrities like Solenn Heusaff and Jennylyn Mercado.

Ikinasal sina Tom at Carla sa pamamagitan ng isang intimate ceremony sa San Juan Nepomuceno Parish Church last Oct. 23. Nag-celebrate sila ng kanilang first month bilang mag-asawa sa isang Italian-Filipino restaurant sa Parañaque City.

Sa taong 2022, wish nina Tom at Carla na sana’y mabiyayaan na sila ng anak dahil matagal na rin nila itong ipinagdarasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahayag nga ng “To Love And To Hold” lead star, “We, honestly, don’t want to delay, di ba? We don’t want to delay anymore kasi isa rin ‘yun sa reasons kung bakit gusto na rin namin magpakasal.”

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Carla nabili ang dream wedding gown sa US: Nawala lahat ng stress at iniyak ko…sulit talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending