Juliana Parizcova Segovia inaatake raw ng 'alaga' ni Vice Ganda: Meme, pinag-aaway po ba niya tayo? | Bandera

Juliana Parizcova Segovia inaatake raw ng ‘alaga’ ni Vice Ganda: Meme, pinag-aaway po ba niya tayo?

Therese Arceo |May 01,2022
facebook
share this

Juliana Parizcova Segovia inaatake raw ng ‘alaga’ ni Vice Ganda: Meme, pinag-aaway po ba niya tayo?

Therese Arceo - May 01, 2022 - 05:20 PM

Juliana Parizcova Segovia inaatake raw ng 'alaga' ni Vice Ganda: Meme, pinag-aaway po ba niya tayo?
MUKHANG hindi nagustuhan ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia ang mga sinasabi ng isa sa mga “alaga” ni Vice Ganda na si Ate Dick.

Pakiramdam kasi niya ay tila pinagsasabong silang dalawa ng Unkabogable Star dahil sa magkaiba nilang paniniwala sa politika.

May isang tweet kasi si Ate Dick kung saan sinabi nito na inaabangan na niya kung titirahin din ni Juliana si Vice Ganda gaya ng paninira nito kay Vice President Leni Robredo.

Parte kasi si Juliana ng mga online short videos patungkol kay “Lenlen”. Bagamat hindi nila direktang inaamin o sinasabi ay marami ang naniniwala na ang kasalukuyang bise presidente ang kanilang nilalait sa naturang series.

Kaya naman nang tumindig si Vice Ganda at nagpakita ng suporta kay VP Leni noong April 23 ay marami ang na-curious kung ano ang magiging reaksyon ni Juliana lalo na’t naging nanay-nanayan rin niya ito buhat nang sumali at manalo siya sa isang patimpalak sa “It’s Showtime” na Ms. Q&A.

Isa na nga dito si Ate Dick na nag-quote tweet ng larawan nina Vice Ganda at Juliana mula sa account ng Barakos for Leni.

“Juskopo. So kamusta si Juliana? Binash niya na ba si Meme katulad ng pangbabastos niya kay VP? Excited ako for her talaga lol,” saad ni Ate Dick.

 

 

Matapos nito ay nag-trending rin siya sa social media matapos magpa-blind item ni Vice ukol sa kakilala niya na “troll” na mabait naman sa totong buhay ngunit dahil sa pangangailangan sa pera ay pinasok na ang pagiging troll.

At sa isang eksklusibong pahayag ng komedyante sa PEP ay inamin ni Juliana na alam niyang siya ang pinatutungkulan ng Unkabogable Star sa kanyang blind item.

Dagdag pa niya, minessage rin daw niya si Vice upang tanungin kung pinagsasabong ba silang dalawa ni Ate Dick na isa sa mga talent niya.

“Nag-message po kasi ako sa kanya nang mabasa ko noon ang recent post ng alaga niya. Tinanong ko po siya bakit po may ganoon at kung pinag-aaway lang kami. Seen zone lang po ako then kinabukasan, nagsalita na siya sa It’s Showtime,” sey ni Juliana.

Mukha namang nakarating na ang balita kay Ate Dick base na rin sa mga tweets nito.

“Hello, hindi po umuurong ang buntot ko. Hindi ko rin binura, ni-remove ko lang sa pagkaka-pin. Matagal na kasi. Magkaiba iyon. Tatanga-tanga na naman ha. Kung si Juliana rin lang, I can challenge her to another debate, anytime lol,” tweet ni Ate Dick.

Related Chika:
Ate Dick waiting sa bwelta ni Juliana Parizcova matapos iendorso ni Vice si VP Leni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Juliana Parizcova umalma sa blind item ni Vice tungkol sa naghihirap na troll: Never akong nanghingi sa kanya ng pera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending