Vince Rillon natakot, naiyak nang mapanood ang torture scene sa 'Kaliwaan'; AJ Raval ilang beses nagbuyangyang | Bandera

Vince Rillon natakot, naiyak nang mapanood ang torture scene sa ‘Kaliwaan’; AJ Raval ilang beses nagbuyangyang

Ervin Santiago |April 28,2022
facebook
share this

Vince Rillon natakot, naiyak nang mapanood ang torture scene sa ‘Kaliwaan’; AJ Raval ilang beses nagbuyangyang

Ervin Santiago - April 28, 2022 - 03:20 PM

Denise Esteban, AJ Raval at Vince Rillon

GRABE: As in grabe pala talaga ang pelikulang “Kaliwaan” na pinagbibidahan nina AJ Raval, Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez.

Napanood na namin ang pelikulang idinirek ni Daniel Palacio at mula sa konsepto ni Brillante Mendoza under Viva Films kagabi sa naganap na premiere night at talagang halos lahat ay na-shock sa kabuuan ng movie.

Ito na siguro ang pinakabayolente at madugong Vivamax movie na napanood namin. Imagine, simula pa lang ay may torture scene na ang karakter ng isang transgender kasama si Mark Anthony?!

Dito, talagang maaawa at mapapatakip ka na lang ng mata dahil parang totoong-totoo ang pinapanood mong mga eksena at feeling mo ikaw yung pinahihirapan ng grupo ni Mark na isang pulis sa kuwento.

Bukod pa yan sa mas garapal at brutal na torture scene ni Vince Rillon mula naman sa isang grupo ng mga Muslim na naghiganti sa pagkamatay ng kanilang kapamilya.

Sa lahat ng manonood ng “Kaliwaan”, siguraduhing may baon kayong tapang at tatag ng sikmura kapag pinanood n’yo ang mga nasabing eksena dahil isa sa mga kasamahan naming reporter ay biglang lumabas ng sinehan dahil hindi niya ito nakayanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Kahit nga misko si Vince ay natakot at naiyak habang pinanonood ang pag-torture sa kanya sa pelikula na nagsimula lamang dahil sa matinding selos matapos makita ang kanyang dyowa (ginagampanan ni AJ Raval) na may ibang lalaking ka-sex.

Bukod sa mga bayolenteng eksena, magsasawa rin kayo sa mga sex scenes sa “Kaliwaan” kung saan ilang beses nagpakita ng kanyang boobs si AJ. Kaloka rin ang eksena kung saan binaboy siya ni Mark Anthony gamit ang kanyang baril.

Samantala, kahit maikli lang ang ganap ni Irma Adlawan sa pelikula, lutang na lutang pa rin ang kanyang karakter bilang nanay ni Vince na gagawin ang lahat para hindi masira ang buhay ng kanyang anak.

* * *

Hindi maiwasang magdulot ng matinding selos at galit ang pagtataksil, pero katanggap-tanggap ba na mauwi ito sa pagpatay.

Yan nga ang temang ipakikita sa Vivamax original movie na “Kaliwaan” kung saan gaganap si AJ Raval bilang Monica, isang spa girl na mataas ang ambisyon sa buhay.

Karelasyon niya si Boogie, isang security guard, na ginagampanan ni Vince Rillon. Sa kabila nito, nagawa niyang makipag-srx kay Raji, isang bigating businessman na ginagampanan ni Juami Gutierrez.

Sa galit ni Boogie ay reresbakan niya si Raji na siya namang mako-comatose. Ikakanta ni Monica sa mga pulis ang krimen na ginawa ni Boogie.

Samantala, hihingi ng proteksyon si Boogie sa tiyuhin niyang pulis na si Marlon, ginagampanan ni Mark Anthony Fernandez.

Ngunit habang sinusubukan ni Boogie makipag-ayos kay Monica, hindi niya alam na may panganib na nag-aabang sa kanya, dahil maghihiganti sa kanya ang pamilya ni Raji.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa pelikulang ito sina Felix Rocco, Juami Gutierrez at ang bagong Vivamax sexy star na si Denise Esteban na may nakakaloka ring eksena sa pelikula kasama si Felix. Ipalalabas na ang “Kaliwaan” sa Vivamax, bukas, April 29.

Sexy actor Vince Rillon nakipagchurvahan sa 4 na palabang sexy star sa erotic trilogy na ‘L’

Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na ‘L’: 2 oras kinunan yun!

Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending