‘Vax To Normal’ concert ng Calista sa Araneta pasabog mula simula hanggang ending; Darren, AC hataw kung hataw
IN fairness, hindi kami nagsisi sa pagpunta sa Araneta Coliseum para panoorin ang first major concert ng all-female P-pop group na “Vax To Normal” kamakalawa ng gabi.
Super nag-enjoy ang lahat ng sumugod sa Big Dome sa lahat ng pasabog at paandar na production number ng Calista na binubuo nina Laiza, Denise, Anne, Dain, Elle at Olive.
Kahit nga kami ay napapasayaw din kapag nagtatayuan na ang audience at nakikisabay sa pag-indak at pagkanta ng Calista. Feeling ko, talagang na-miss ng mga Pinoy fans ang live concert (after more than two years ng pandemya) kaya kahit naka-face mask at layu-layo ng upuan ay super sing and dance pa rin!
Mula simula kasi hanggang ending ng concert ay puro highlights dahil bukod sa mga solo numbers ng grupo, meron din silang collab with their special guests na puro bigatin din. Winner ang lahat ng aspeto ng “Vax To Normal” — mula sa stage design at costumes hanggang choreography ng lahat ng production numbers, idagdag pa ang pagpapasabog ng sandamakmak na paru-paro nang kantahin na ng Calista ang “Vroom! Vroom!”
Wala ka ring itulak-kabigin sa mga collab numbers nila with Yeng Constantino, Ken San Jose, Andrea Brillantes, Elmo Magalona, AC Bonifacio at Darren Espanto.
View this post on Instagram
Pero para sa amin, ang pinaka-the best ay ang number ni Darren with Calista at ang hatawan ng mga girls kasama si AC. Du’n talaga kami napasayaw ng bonggang-bongga with matching tili at palakpak pa! Ha-hahaha!
Grabe ang energy nina Darren at AC on stage! Para silang hindi napapagod dahil tatlong sunud-sunod na number ang ginawa nila. Kaya sabi namin talagang pang-worldclass ang talento ng mga Pinoy.
Medyo naiyak naman kami ng slight sa pagpe-perform ni Elmo on stage dahil nagsenti kami sa mga kanta ng yumao niyang Master Rapper na si Francis Magalona. Bukod pa riyan ang pa-tribute ng “Vax To Normal” sa mga frontliners ng COVID-19 pandemic.
After ng concert, nagkaroon pa ng presscon ang Calista at dito nga nila ibinalita na ngayon pa lang ay naghahanda na rin sila para sa kanilang follow-up concert.
Bukod dito, plano rin ng Merlion Productions at TEAM ni Tyronne Escalante na magkaroon ng world tour ang mga girls, kabilang na riyan ang pagpe-perform nila sa Amerika at London.
Samantala, walang time ang mga miyembro ng Calista sa mga boys dahil mas gusto muna nilang mag-focus sa kanilang career. Literal daw talaga na wala silang time sa lovelife dahil 12 hours daw a day ang kanilang training.
Mapapanood ang kabuuan ng “Vax to Normal” concert ng Calista ngayong darating na Linggo, May 1, 9 p.m., sa TV5.
https://bandera.inquirer.net/307764/i-pop-girl-group-calista-ibabandera-ang-galing-sa-kanilang-vax-to-normal-concert
https://bandera.inquirer.net/297599/ac-bonifacio-nape-pressure-bilang-unang-artist-ng-star-magic-records
https://bandera.inquirer.net/286510/robi-edward-darren-ac-solid-ang-barkadahan-sino-ang-puso-ng-kanilang-friendship
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.