Jodi bumilib sa viral content creator na nag-impersonate sa mga pasabog na eksena sa 'Broken Marriage Vow' | Bandera

Jodi bumilib sa viral content creator na nag-impersonate sa mga pasabog na eksena sa ‘Broken Marriage Vow’

Ervin Santiago |April 28,2022
facebook
share this

Jodi bumilib sa viral content creator na nag-impersonate sa mga pasabog na eksena sa ‘Broken Marriage Vow’

Ervin Santiago - April 28, 2022 - 07:55 AM

Sue Ramirez, Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria

PINURI at pinasalamatan ng lead stars ng “The Broken Marriage Vow” na sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez ang lahat ng gumawa ng memes gamit ang mga pasabog at viral nilang mga eksena.

Nang dahil nga sa mga trending na confrontation scenes at winner na dialogues ng Kapamilya series na ini-spoof ng netizens sa social media mas dumami pa ang nanonood sa programa.

Ayon kay Sue na siyang gumaganap na kabit ni Zanjoe Marudo sa serye, nagiging light ang mabibigat nilang mga eksena nang dahil sa mga viral clips nila sa social media.

“I’m also really, really grateful to people online who make mga spoof because kung hindi rin dahil sa kanila baka mabigat nga ang take ng mga tao sa show po namin. Pero dahil sa kanila napapagaan ‘yung show,” pahayag ni Sue sa naganap na virtual presscon ng “The Broken Marriage Vow” kamakalawa.

Dagdag pa niya, “Mas marami pang tao ang nagiging aware of our show and mas marami pa po ang gabi-gabing tumututok sa amin.”

Bilib na bilib naman si Jodi sa content creator na si AC Soriano na pak na pak ngayon sa pag-i-impersonate sa viral remix ng bonggang confrontation scene nina Doc Jill (Jodi) at Lexy (Sue) pati na ng pinag-aawayan nilang si David (Zanjoe Marudo).

“Siya lang talaga ‘yung gumawa nung lahat ng ‘yon and naka-message ko siya sa IG and nag-invite siya if I could watch the performance,” pahayag ni Jodi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Dagdag pa ng award-winning actress, “Nag-stay up ako up till 11 p.m. way past my bed time, so pinanood ko ‘yung performance niya and sobra akong natuwa, sobra akong na-aliw, sobra akong nagalingan sa kanya.”

“Nag-send ulit ako ng message kino-congratulate ko siya for that kasi siya lang mag-isa. It was a one-man show, siya lang talagang gumawa ng lahat, costume changes niya, lahat, ‘yung music, ‘yung editing ginawa niya for the videos na ginamit niya, siya lang talaga,” aniya pa.

“I just told him na to keep making people happy, continue what you’re doing. Thumbs up ako sa ginawa niya. Nakakatuwa talaga,” dagdag pa niya.

Pinuri rin ni Sue ang production team ng “TBMV” dahil sa mga pasabog na eksena at dialogues bawat episode.

“I think the writers really plotted it na mari-reach niya lahat ng klase ng audience simula sa mga bagets hanggang sa mga mommies natin na nanonood gabi-gabi na nakatutok.

“I think Dreamscape really made sure to make it to a point that everyone will be able to connect with the show and relate to the show kasi maraming mga complex na characters ang kasama rito sa ‘The Broken Marriage Vow’ so iba’t iba talagang mga tao,” chika ni Sue.

Samantala, nahingan din ng reaksyon si Jodi sa pagpuri sa kanya ng foreign actress na si Suranne Jones na siyang bumida sa original series at sa mga twists and turns na ginawa sa Pinoy version.

“Actually, the goal naman talaga is not to copy kung ano ‘yung naunang ginawa o ‘yung mga naunang adaptation but to really make it our own na hindi naman din nawawala roon sa arko, konteksto ng mga nung original adaptation,” pahayag ni Jodi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon ang second season ng “The Broken Marriage Vow” sa ilang ABS-CBN platforms at sa iWantTFC at Viu.

Jodi na-‘Broken Marriage Vow’ din sa tunay na buhay: Isa ‘yun talaga sa pinaka-painful…

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending