Kim Chiu nakipag-reunion sa high school barkada sa Cebu: One of the best birthday gifts I got...! | Bandera

Kim Chiu nakipag-reunion sa high school barkada sa Cebu: One of the best birthday gifts I got…!

Ervin Santiago |April 27,2022
facebook
share this

Kim Chiu nakipag-reunion sa high school barkada sa Cebu: One of the best birthday gifts I got…!

Ervin Santiago - April 27, 2022 - 01:58 PM

Kim Chiu kasama ang high school barkada

“ONE of the best birthday gifts!” Ito ang bahagi ng naging pahayag ng TV host-actress na si Kim Chiu nang muling makasama ang kanyang high school barkada sa Cebu.

Hindi pa nga natatapos ang selebrasyon para sa 32nd birthday ng dalaga (noong April 19) dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ng sorpresa mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang aktres ng ilang litrato na kuha sa reunion nila ng kanyang mga kaibigan noong high school na matagal na niyang inaasam-asam.

“CEBU for the second time in a week!!!  Birthday still not over!!!!! One of the great bday gifts I got is to be reunited with my High School classmates ‘barkada’ kahit saglit lang!!!” ani Kim sa caption.

Kahit na raw maikli lang ang panahong pinagsamahan at pinagsaluhan nila sa kanilang reunion sa Cebu, naging super happy naman daw nito dahil sa pagto-throwback nila sa kanilang high school life.

“Nag piti piti jud ang pag binisaya ani ba (Grabe ‘yung pagbi-bisaya nito), bitin lang pero that was fun and amazing experience for 1 1/2 hour.

“Abi nako ni balik ko ug estudyantis (Akala ko bumalik ako pagka-estudyante) cherish school! Lingaw kaayo (Sobrang saya)!!! Thank you guys!!!! Sa sunod napud puhon (Sa susunod ulit). Special thanks to @verymaryty sa biglaan on the spot service. hihi lig on (hihi ang tibay)!” ang bahagi pa ng caption ni Kim sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Bukod sa pinuntahang reunion sa Cebu, sunud-sunod din ang pasorpresa sa kanya ng mga fans and celebrity friends dito sa Manila kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa mga ito.

“Indeed one of the most memorable birthdays I ever had.  Punong puno yung puso ko simula umaga hanggang gabi, surrounded by people who are dear to me.

“My family is complete after 8 long years, did a birthday charity in 3 different places, seeing those happy smiles made my heart melt. Iba yung experience sobra.

“Got messages on my socmed accts and personal messages,(di pa ako nakaka reply but later I will.)  May pa birthday greeting sa MOA globe ang kim chiu global family. Grabe Salamat.

“Got a personal VP Leni greetings gulat ako na naiyak. Got cakes, flowers, and food pag uwi ko sa bahay and of course to end the day nagulat ako sa pa Surprise!!!!!! wala akong ka idea, pero grabe!!!” pahayag ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa niyang mensahe, “SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SOBRA SA ARAW na ito NA DIKO MALILIMUTAN. It was indeed a HAPPY BIRTHDAY TO ME. #forevergrateful.”

Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Bea Gomez utang ang pagkapanalo sa 2021 Miss Universe PH sa mga taong hindi nagduda sa kanya

Julia pangarap pa ring maka-graduate sa college, nagpaalala sa mga estudyante: Isagad mo na yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending