Lady producer galit na galit nang magpakita ng boobs sa pelikula ang anak na si Quinn Carillo | Bandera

Lady producer galit na galit nang magpakita ng boobs sa pelikula ang anak na si Quinn Carillo

Reggee Bonoan - April 24, 2022 - 06:18 PM

Len Carillo at Quinn Carillo

NAGULAT ang 3:16 Media Network producer na si Len Carillo nang gumawa ng sexy movie ang panganay na si Quinn Carillo dahil hindi raw ito ipinaalam sa kanya.

Napanood namin ang pelikulang “Eva” na napapanood sa Vivamax kung saan nag-topless nga si Quinn bagay na hindi pa napanood ng kanyang inang si Ms. Len.

Hindi raw niya pinayagan si Quinn na gawin ang movie, “At first hindi talaga ako pumayag pero kinausap niya kami at umiiyak, sabi niya nasa right age na raw siya, kaka-turn lang niya ng 23 (years old).

“Yung daddy niya hindi pa alam (gumawa ng pelikula). Kaya hindi ko alam (ang magiging reaksyon). Hindi naman nanonood daddy niya kaya hindi alam. Hindi siya allowed,” sabi ng lady producer.

Binanggit naman daw ni Boss Vic del Rosario na may pelikula si Quinn at umokey lang si Ms. Len na ang pagkakamali niya ay hindi raw niya binasa ang script.

“Kasi si boss Vic hindi rin siya (Quinn) allowed. Alam ni boss Vic na hindi ako pumapayag.

“Nu’ng nasa set na raw siya (Eva movie), sinabi raw ni direk Jeffrey (Hidalgo) na aalagaan naman daw kaya pumayag daw siya, kaya nagpakita ng boobs. ‘Yun lang kasi kapag me iba pa, ewan ko na lang,” kuwento ng mommy ng baguhang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Quinn Carrillo (@itsquinncarrillo)


Nang ikuwento raw ni Quinn na may breast exposure siya, “Nagalit ako!  Nagalit talaga!  One week kaming hindi nag-usap!”

Commercial photographer ang role ni Quinn bilang si Frankie at kasama niya sina Sab Aggabao at Angeli Khang sa love scenes kasama si Marco Gomez na hubo’t hubad talaga sila pero hindi naman ipinakita ang private parts.

Maganda ang shots ni direk Jeffrey at alaga naman talaga kaya siguro napapayag si Quinn, “In-explain naman niya sa akin pero siyempre bilang nanay. Hindi ko na tinanong kung ano ang naging experience niya kasi nga hindi ako okay doon (sa ginawa),” saad pa ng film producer.

At may launching movie na rin si Quinn, “Biyak” ang titulo pero sabi ng nanay niya, “Hindi ko alam anong ginawa kasi wala ako nu’ng nag-shoot siya. Pero sinabihan na ako ni direk Joel (Lamangan) na merong sexy kasi kailangan daw sa story.

“Pero kasi may trust naman ako kay direk Joel at nakita ko naman lahat na hindi malasya ang mga sexy scenes niya, art ang dating. ‘Yung Silab ginawa niya hindi naman ako nabastusan, hubo’t hubad sila ni Marco at Cloe Barreto.

Abangan mo sa “Tahan”, matindi lang siya rito.”

At may usapan pala ang pamilya Carillo na bawal manood silang lahat sa mga pelikula ni Quinn lalo na kapag sexy.

Samantala, proud mommy si Ms. Len dahil si Quinn ang sumulat ng script ng “Tahan” na pagbibidahan nina Cloe, JC Santos, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Abut-abot ang pasalamat din ng 3:16 Media Network producer kay boss Vic dahil ipinahiram sa kanya si Sean de Guzman na exclusive talent ng Viva Artist Agency para sa pelikulang “Fall Guy” na idinirek din ni Joel Lamangan at patapos na ang shooting nito mula sa script ni Troy Espiritu at co-prod ito ng Mentorque Productions na pag-aari ni John Bryan Diamante.

Kasama ni Sean dito sina Cloe, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Jim Pebangco, Pancho Carillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortizm, Hershie de Leon, Itan Rosales, Tina Paner at Glydel Mercado.

https://bandera.inquirer.net/287607/pasaway-na-aktres-tatanggalin-na-sa-sitcom-grabe-sakit-lang-siya-sa-ulo

https://bandera.inquirer.net/306892/aktor-hinimas-himas-ang-kilalang-producer-kaya-nagsunud-sunod-ang-proyekto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303098/aktres-na-mahal-ang-talent-fee-mas-type-ng-producer-kesa-sa-female-star-na-mababa-ang-tf-pero-super-arte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending