Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem Bandera

Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem

Therese Arceo |April 16,2022
share this

Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem

Therese Arceo April 16, 2022 - 09:08 PM

Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem

NAMATAAN ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla na nagpa-participate sa mural painting para kina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa isang subdivision sa Quezon City.

Isa lamang ang aktor sa mga artistang tumindig at naghayag ng suporta sa kandidatura ni Leni Robredo na tumatakbo sa pagkapresidente sa darating na eleksyon.

Matatandaang noong March 9 ay isinapubliko na ni Daniel ang kanyang pagsuporta sa kasalukuyang bise presidente ng bansa nang magpakuha ito ng litrato kasama ang direktor na si Mandy Reyes habang nasa gitna nila ang poster ni VP Leni.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinuportahan ng aktor ang pagtakbo ni VP Leni dahil ikinampanya na rin nila ito ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo nang tumakbo ito noong 2016 electjons.

Samantala, aware naman ang lahat na ang kanyang inang si Karla Estrada ay sumusuporta naman sa isa pang kandidato sa pagkapresidente na si Bongbong Marcos.

Sa katunayan, lumabas ang larawan ni Daniel na sumusuporta kay Leni matapos ang paghahayag ng kanyang ina ng suporta kay Bongbong.

Bagamat magkaiba ang paniniwala ay nanatili naman daw ang magandang samahan ng kanilang pamilya.

 

Related Chika:
Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022?

Karla hindi nakaligtas sa galit ng netizens dahil sa politika; Daniel may ibang ipinaglalaban?

Karla Estrada sinabing may ‘demokrasya’ sa kanilang pamilya: In the end, we talk, we love, and live harmoniously

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending