Karla Estrada sinabing may ‘demokrasya’ sa kanilang pamilya: In the end, we talk, we love, and live harmoniously
PROUD na ibinandera ng TV host-actress na si Karla Estrada ang magandang samahan nila bilang isang pamilya.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post siya ng kanilang family picture na may na may text na “In my family, we strongly believe in democracy”.
Saad ni Karla sa kanyang caption, “I raised my children to have their own opinion, stand their ground not because they are swayed by the public.”
“They have an independent mind rooted in their beliefs. But in the end, we talk, we love, and live harmoniously,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Ilan sa mga kaibigan ni Karla sa showbiz na sina Mariel Rodriguez, Vina Morales, at Ruffa Gutierrez ang nagpakita ng pagsuporta sa TV host-actress.
Ipinost ito ni Karla matapos mag-trending ang anak na si Daniel Padilla sa social dahil sa kanyang tahasang pagsuporta kay presidential aspirant VP Leni Robredo.
Nitong Miyerkoles, March 9, ay nag-post ang film director na si Mandy Reyes kasama si Daniel kung saan nasa gitna nila ng aktor ang poster ni Leni na nakadikit sa kotse.
“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” saad ng direktor kasama ang mga hashtags na #IpanaloNa10To, #LiderLeni, at #DapatLeni.
Aware naman ang lahat na third nominee si Karla ng Tingog party-list na tumatakbo ngayong eleksyon.
Matatandaang nag-trending noon ang ina ni DJ matapos itong ma-call out ng mga KathNiel fans dahil sa pag-join nito sa party-list na bumoto kontra sa pagbibigay ng ABS-CBN franchise renewal.
Bukod pa rito ay nagpahayag rin ng suporta si Karla sa presidential aspirant na si Bongbong Marcos sa naganap nitong proclamation rally na naganap sa Philippine Arena.
Related Chika:
Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?
Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.