Kapatid ni Francine nagsalita na rin sa isyu nina Seth at Andrea: Hindi malandi at ahas ang kapatid ko | Bandera

Kapatid ni Francine nagsalita na rin sa isyu nina Seth at Andrea: Hindi malandi at ahas ang kapatid ko

Therese Arceo |April 13,2022
facebook
share this

Kapatid ni Francine nagsalita na rin sa isyu nina Seth at Andrea: Hindi malandi at ahas ang kapatid ko

Therese Arceo - April 13, 2022 - 04:24 PM

Kapatid ni Francine nagsalita na rin sa isyu nina Seth at Andrea: Hindi malandi at ahas ang kapatid ko

BINASAG na rin ng nakatatandang kapatid ni Francine na si “Chantal” ang kanyang katahimikan patungkol sa pagkakadamay ng pangalan ng kapatid kay Andrea Brillantes.

Matatandaang nadawit ang pangalan ng aktres matapos mag-trending si Andrea dahil sa naging girlfriend proposal ng basketbolista at commercial model na si Ricci Rivero matapos ang kanilang UAAP game noong April 9.

Sa kanyang Twitter account ay inisa-isa ng ate ni Francine ang mga isyu kung saan nadadamay ang kanyang kapatid.

“Hello. I just want to clear some things in behalf of Francine and some issues that has been circulating for quite some time na.

“This has been stressing me out as an Ate of Chin and I can or we can no longer stay silent kasi we tried hard to stay silent for peace kaso ang hirap ma maintain with such environment. Kasi either we speak up or not lagi dawit ang name ng kapatid ko,” pag-uumpisa ni Chantal.

Aniya, masaya siya para sa bagong magkasintahan na sina Andrea at Ricci at labas ang kapatid niya sa relasyon ng dalawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

 

Bagamat naiintindihan niya na nais lamang ng fans na mag-apologize publicly si Andrea kay Francine matapos makaladkad ang pangalan nito ngunit humingi na raw ito ng tawad noon pa man.

“I understand na most fans are asking Blythe for an apology kay Francine publicly. Blythe already apologized privately months ago when a certain issue na nangyari,” pagpapatuloy niya.

Itinanggi rin ni Chantal ang nangyaring “panunugod” ni Andrea sa kapatid habang nasa dressing room ito sa ginanap ang ABS-CBN Christmas Special noong December 2021.

“The panunugod is not true that’s not exactly what happened. What happened was a misunderstanding, B (Andrea) felt that Chin was disrespecting their LT when Chin posted an IGS picture with the Glam team and Seth.

“She called my sister and was very upset about it. As an Ate There was nothing wrong with that picture and I hated lang how she reacted about it, they were friends after all,” paglilinaw ng ate ni Francine.

Ito rin daw ang naging dahilan kung bakit nagpunta ang aktor na si Seth Fedelin sa bahay ng aktres para personal na humingi ng tawad sa nangyari.

 

 

“That’s the reason why Seth came to visit us and apologized in person for what happened. Syempre may kasamang picturan and all. That’s when the other issue started ulit.”

Ang isyung sinasabi ng ate ni Francine ay ang nag-viral na larawan ni Seth kasama ang pamilya ni Francine noong Enero.

“Francine has been called a lot of names when wala namang masama sa picture na ‘yon very wholesome with the family pa nga.”

Bilang ate, nasasaktan siya sa tuwing makakabasa ng masasamang salita laban sa kanyang nakababatang kapatid lalo na’t wala naman itong ginagawang masama.

Giit pa nito, hindi malandi at ahas si Francine dahil wala itong inaagaw gaya ng sinasabi ng iba.

“I was hoping lang din for Blythe sana and Seth to clear it for Chin when they went LIVE but they saved themselves.”

Dagdag pa niya, kaya siya naglalabas ng pahayag ukol sa isyu ay dahil nais na nilang mag-move forward.

“Lastly, I’m saying this because both side has cleared up their names and half truths lang ang nasabi. We are all moving forward with the past issue and I hope kayo rin.”

Kahapon ay nag-trending ang ina ni Francine dahil hindi na ito nakapagpigil at tinawagan na ang pansin ni Andrea.

Sey ni Mama Merdick, hindi na siya papayag na patuloy na i-bully si Chin dahil walang magulang ang nanaisin na makitang hinahamak ang kanilang anak.

Nanatili namang tahimik at walang sagot si Andrea sa pahayag ng kampo ni Francine.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Andrea Brillantes maging ni Seth Fedelin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending