Sofia Pablo hindi nahirapang gumanap na sirena: Sanay na ako mag-swim ng may buntot
HANGGANG ngayon ay feeling nasa cloud 9 pa rin ang magka-loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil sa bonggang-bonggang project nila sa GMA 7.
Sa dami nga naman ng pambatong tambalan ngayon ng Sparkle (talent center ng Kapuso station), sila ang napili ng mga management na magbida sa latest mini-series ng network.
Ang tinutukoy namin ay ang 7-part mini-series na “Raya Sirena”, na mapapanood every Sunday, 3 p.m., simula sa April 24.
Una itong napanood bilang single episode sa “Regal Presents” kung saan gumanap ngang sirena si Sofia bilang si Raya kasama si Allen Ansay as Gavin. At dahil nga sa mataas na rating nito ay nagdesisyon ang Regal Films at GMA na ibalik ito at gawing mini-series.
“I’m really thankful and honored for this big break kasi ang daming ibang love teams pero kami ang pinagkatiwalaan nilang gawing bida in this project,” pahayag ni Sofia sa naganap na online presscon ng “Raya Sirena” nitong nagdaang Huwebes, April 7.
“Our team is called Team Jolly kasi we’re both very jolly raw and we’re so happy that Team Jolly is given its chance to shine. Parang birthday gift nila ito sa akin kasi I’m turning 16 on April 10,” dagdag pang kuwento ng dalagita.
Sa isang resort sa Bataan magte-taping ang buong production ng “Raya Sirena” na tatagal ng isang linggo. Doon kukunan ang lahat ng beach at underwater scenes.
Paano muling pinaghandaan ni Sofia ang kanyang mga eksena bilang sirena? “Ang preparation ko is for the shoot sa Bataan kasi I have to be healthy and strong all throughout our stay there.
View this post on Instagram
“Kasi, maraming outside scenes sa dagat and it’s the middle of summer kaya nakatirik ang araw, so we have to prepare for that.
“Sa swimming, not much preparation kasi ever since I was a little girl, I do mermaid swimming na kaya, sanay na ako mag-swim ng may buntot.
“I just pray na panoorin sana at suportahan talaga ng viewers itong ‘Raya Sirena’ as a mini-series kasi ito ang biggest break namin ni Allen Ansay and our Team Jolly,” aniya pa.
Sa tanong kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit kinagat ng publiko ang love team nila ni Allen, sagot ng young actress, “Even Allen and I don’t really know.
“Nu’ng first time pa lang na kunan kami ng screen test, sabi agad nila, may nakikita sila sa amin kahit wala naman kaming ginagawa kundi nagtitinginan lang kami.
“Kaya nang gawin namin ang ‘Raya Sirena’ sa ‘Regal Presents’, nagulat kami that it became a toprating episode,” chika pa ni Sofia.
Samantala, natanong din ang Regal Entertainment executive na si Roselle Monteverde kung bakit gustung-gusto ng fans ang tambalan ng dalawang Kapuso stars.
“Maganda ang combination and chemistry nila. Malakas din ang kilig factor nila and they’re both very dedicated and passionate sa careers nila, so we’re sure malayo ang mararating nila in the business. Ang cute nila at ang sarap panoorin together on screen,” paliwanag ng movie producer.
Ang “Raya Sirena” ay sa direksyon ni Crisanto Aquino, na siya ring nagdirek sa award-winning 2019 Metro Film Festival entry na “Write to Love”.
Makakasama rin sa seryeng ito sina Shirley Fuentes, Gerald Pesigan, Jana Francine, Ayeesha Cervantes, Mika Reins, Juan Carlos Galano, Elias Point at Saviour Ramos.
https://bandera.inquirer.net/310138/sofia-pablo-nakatanggap-ng-bonggang-regalo-mula-sa-gma-magbabalik-na-bilang-raya-sirena
https://bandera.inquirer.net/309434/sumbong-ni-sofia-pablo-sa-pang-aasar-ni-allen-ansay-parang-hindi-siya-magiging-masaya-kundi-niya-ako-pipikunin
https://bandera.inquirer.net/284632/sharon-may-mga-taong-gustong-ipasuntok-sa-mukha-inalala-sina-aga-at-goma
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.