Vice Ganda na-prank, na-stress dahil kay Ion Perez: Takaw aksidente kasi 'yan! | Bandera

Vice Ganda na-prank, na-stress dahil kay Ion Perez: Takaw aksidente kasi ‘yan!

Therese Arceo - April 06, 2022 - 08:53 PM

Vice Ganda na-prank, na-stress dahil kay Ion Perez: Takaw aksidente kasi 'yan!

ISANG BTS-themed surprise party ang natanggap ni Unkabogable Star Vice Ganda mula sa kanyang mga kapamilya at kaibigan bilang selebrasyon ng kanyang 46th birthday.

Pero bago pa man ang pangmalakasang sorpresa ay labis labis ang naramdamang stress ng komedyante matapos nitong mabalitaan na naaksidente ang kanyang kabiyak na si Ion Perez.

Ang hindi alam ni Vice ay prank lamang ito ng kanyang hubby at ang totoo ay isang birthday surprise ang naghihintay sa kanya sa kanilang bahay.

“Ito lang ang tanging paraan. Tinawagan ko siya kasi may dinner, so sabi ko daanan niya ako. Sabi ko maliligo na ako.

“Ang naisip kong dahilan para umuwi na siya, nag-slide ako sa banyo,” saad ni Ion.

Aniya, galit na galit raw si Vice dahil wala rin sa mga kasama nila sa bahay ang sumasagot sa kanya para malaman ang lagay ni Ion.

Makikita naman sa vlog ni Ion ang kabuuang nangyari kung saan gigil na gigil ang mukha ni Vice dahil sa ginawang prank sa kanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

 

“Ang sasama ng ugali ng mga kaibigan ko. Na-stress ako,” sabi ni Vice matapos niyang malaman na prank lang ang lahat.

Ikinuwento rin niya ang tindi ng stress na naramdaman niya sa hindi pagsagot ng kanyang mga tao dahil ang dami daming pumapasok sa isip niya na maaaring mangyari kay Ion.

“Kasi nga itong si Ion, takaw aksidente yan kaya konting kibot napipilay siya. Ang sakit talaga ng ulo ko, na-stress ako,” pagpapatuloy ni Vice.

Present sa kanyang surprise birthday party ang mga kaibigan mula sa “It’s Showtime” na sina Tiyang Amy, Vhong Navarro, Kim Chiu, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Jackie.

Nandoon rin ang malapit na kaibigang si Regine Velasquez pati na rin ang mga beki friends niya gaya nina Orli, Kitty, at Tonton.

Super happy naman si Vice dahil bukod sa mga taong present sa kanyang party ay BTS rin ang theme ng party na isa sa mga source of happiness ng komedyante.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng kaibigan ko na nandirito, sa pamilya ko… thank you, thank you! I love you! Maraming maraming salamat,” masayang sey ng Unkabogable Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending