Lutong Pinoy gustong ipakilala ni Loren Legarda sa buong mundo
DAHIL natatangi ang panlasang-Filipino, nais ni senatorial aspirant Loren Legarda na ipakilala at makilala sa buong mundo ang mga pagkaing tatak-Pilipinas.
Katwiran ni Legarda ang natatanging pagkain at luto sa bansa ay bahagi na ng pagkakilala at kulturang Filipino.
“Mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at kultura ang ating pagkain. Bukod sa isinasalaysay nito ang ating kuwento bilang isang bansa, pinagbubuklod rin nito ang ating diwa bilang mga Filipina,” aniya.
Kaya nanawagan ito sa gobyerbo na kumilos para mapagyabong pa ang culinary heritage ng Pilipinas kasabay nang paggunita ng Filipino Food Month na may temang ‘Pagkaing Pilipino: Susi sa Pag-unlad at Pagbabago.’
Sinabi nito na bahagi ng pagkakakilala sa mga Filipino ang natatanging pagkain at luto kayat dapat ay ipakilala sa ibang rehiyon ang mga natatanging pagkaing Filipino maging sa ibang mga bansa.
View this post on Instagram
Isinulong ni Legarda sa Kamara ang House Bill No. 10551 o ang Philippine Culinary Heritage Act, na ang layon ay mapagtibay ang culinary heritage sa bansa.
“Maraming mga putahe o recipe ang naipasa mula sa mga unang henerasyon ang ngayon ay ine-enjoy pa din ng mga Filipino habang ang iba naman ay ginawan ng ibat-ibang version.
Ito ang nararapat na pagyamanin sa tulong na rin ng ating magagaling na research chef at ibang culinary professional,” dagdag pa nito.
https://bandera.inquirer.net/303770/lumitaw-ang-may-plano-may-malalim-na-pag-unawa-sa-pamumuno-lumutang-din-ang-gusto-lang-drumibol
https://bandera.inquirer.net/309309/trabaho-kabuhayan-sa-mga-barangay-titiyakin-ni-loren-legarda
https://bandera.inquirer.net/299734/sobrang-wish-kong-makilala-si-gal-gadot-sana-mami-meet-ko-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.