Kampo ni Ana Jalandoni balak magsampa ng 2 pang kaso laban kay Kit: 'Masakit man itong sabihin, gusto na siyang patayin' | Bandera

Kampo ni Ana Jalandoni balak magsampa ng 2 pang kaso laban kay Kit: ‘Masakit man itong sabihin, gusto na siyang patayin’

Ervin Santiago - April 03, 2022 - 09:14 AM

Kit Thompson at Ana Jalandoni

BUKOD sa kasong paglabag sa Violence Against Women and their Chirldren Act o Rep. Act 1962 Section 5a, dalawang kaso pa ang posibleng isampa ng kampo ni Ana Jalandoni kay Kit Thompson.

Sabi ng isa sa mga legal counsel ng sexy star na si Atty. Greg Tiongco, maaari rin silang magsampa ng serious illegal detention at frustrated homicide.

Sa pagharap ni Ana sa ilang members ng entertainment media kamakailan, isa-isa ring nagsalita ang kanyang mga abogado at isa na nga riyan si Atty. Tiongco na siyang nagpaliwanag ng iba pang kasong pwede nilang isampa laban kay Kit.

“Napag-alaman natin sa pag-interview kay Ana na matagal-tagal para makuha yung buong detalye, na nagkaroon po ng deprivation of liberty.

“Ibig sabihin, sa duration na nasa Amega Hotel sila ay pinagbawalan si Ana na makalabas o makalaya, without her consent. Pinagbawalan…and this was compounded by violence and threats,” pahayag ng abogado.

Patuloy pa niya, “Unang-una, I think it is clear sa sworn statement na sinabi ni Ana na kung iiwan siya, or even if aalis siya, pinagbantaan sa pagpatay.

“Death threats so to speak, and this was coupled, not just threats but physical violence, ‘no?

“Nagmakaawa siya na dalhin sa hospital, pero pinagbawalan siya, hindi puwedeng lumabas, ‘Dito lang tayo.’ Obviously, nakita naman natin na may kasabay na pambubugbog ito,” aniya pa.

Samantala, nabanggit din ng isa pang legal counsel ni Ana na si Atty. Faye Singson na sa mensaheng ipinadala ni Ana sa isa niyang kaibigan nu’ng maganap ang umano’y pambubugbog sa kanya ni Kit ay may feeling siya na may mas matindi pang gagawin ang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


“If you will see po du’n sa message ni Ana, Kit scared her. From her perception po at that time, the intent to kill her is already present.

“So, hindi lang po siya binubugbog para saktan na physical, kung hindi at that time, masakit man itong sabihin, gusto na siyang patayin,” paliwanag pa ng abogado.

Matatandaang iyak nang iyak si Ana nang ikinukuwento ang naging karanasan niya sa piling ni Kit, “Masakit po ‘yung pinagdaanan ko dahil hindi ko po ‘yun nakita, hindi ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko,” pahayag ni Ana.

“Marami po akong pinagdaanan sa buhay, lahat po ‘yun nalagpasan ko  Pero ‘yung nangyari sa kanya, hindi ko po alam kung kakayanin ko. Hirap po ‘yung isip ko, hirap po ‘yung puso ko dahil nasaktan po ako ng lubusan,” aniya pa.

Hindi pa rin nag-iisyu ng official statement si Kit o ang talent management niyang Cornerstone Entertainment hinggil sa pagharap at pagsasalita ni Ana sa press.

https://bandera.inquirer.net/309507/ana-jalandoni-inaatake-ng-matinding-trauma-matapos-mabugbog-nag-sorry-sa-pamilya

https://bandera.inquirer.net/309322/kit-pinagbantaan-daw-ang-buhay-ni-ana-sabi-niya-akin-ka-lang-hindi-ka-pwedeng-mapunta-sa-iba-akin-ka-lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281216/angel-nagsalita-na-rin-sa-tumitinding-anti-asian-violence-hate-is-a-virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending