John Lapus naka-relate sa ‘How to Move On in 30 Days’: One new boyfriend after
SA cast ng YouTube series na “How to Move On in 30 Days” na kinabibilangan nina Carlo Aquino, Jai Agpangan, Poppert Bernadas, Phoemela Baranda, Kyo Quijano, Sachzna Laparan, Albie Casino at Maris Racal ay si John Lapus ang nakaka-relate sa titulo dahil literally nangyari sa kanya ito.
Sa face to face mediacon ng nasabing YT series na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater ay inamin ni John na in 30 days naka-move on na siya na kaya hindi raw nababalitaan ay dahil mga non-showbiz sila.
“’Yung pangalawang boyfriend ko, yun lang talaga ang bad break-up and in all fairness nu’ng kinompute ko nagawa ko nga (how to move on) in 30 days.
“Thirty days, thirty drunken nights, almost thirty sex partners (tawanan ang lahat ng nasa Dolphy theater), one psychiatrist, one super-duper close friend who brought me to a psychiatrist and one new boyfriend after thirty days,” ito ang bungad ni John.
Revelation ito para sa TV host/actor/director dahil hindi naman siya nagkukuwento sa mga naging karelasyon niya at may pinagdaanan pala siya nitong pandemya.
“Oo hindi naman kasi mga artista, first boyfriend ko call boy, pangalawa model, pangatlo dancer puro hindi mga sikat!” kuwento pa nito.
Si John daw kasi ang support group sa mga kaibigan niyang may mga pinagdadaanan sa personal na buhay na siya ang nagsasabing kailangang mag-move on.
“I think, ‘yan ang dahilan kung bakit ako kailangang dalhin sa psychiatrist kasi sanay ako na ako ‘yung tumutulong sa friends from a bad break-up, ako ‘yung nagpapatawa, ako ‘yung tinatawagan ng mga kaibigan kong namamatayan.
“Tapos ang nangyari nu’ng niloko ako ng second boyfriend ko parang nahiya akong lumapit sa mga kaibigan ko akala ko kaya ko by myself’ yun pala na praning-praning na pala ako hindi ko alam.
Hanggang sa niyaya siya ng kaibigan niyang mag-kape na ikinagulat niya dahil pumasok sila sa Loyola Grand Villas na sa isip niya ay wala namang Starbucks doon at saka sila huminto sa isang bahay.
Ang kaibigan niya ay ang aktres na si Eugene Domingo na kinailangan siyang dalhin sa psychiatrist dahil paulit-ulit na ang sinasabi niya at kailangan nito ng tulong.
Ani John, “Actually, ’yan ang diagnosis sa akin nu’ng psychiatrist, e. It’s called repetition due to manic depression. Paulit-ulit mong kinukuwento sa mga kaibigan mo dahil hindi mo alam na nakuwento mo na pala 30 minutes ago, yesterday, the other day.
View this post on Instagram
“It’s an actual disorder ng mga taong hindi nakakapag-move on. Gagawin mo talaga kapag masamang-masama ang loob mo.
“That’s the very reason kaya a very close friend of mine, si Eugene Domingo…aminado naman ako dito. One day, sinabi n’ya sa akin magkakape lang daw kami. Samahan ko daw s’ya. Ako naman, go,” pagpapatuloy n’ya.
“Tapos nagulat na lang ako. From Katipunan kumanan s’ya sa Loyola Grand Villas. Sabi ko, ‘Wala namang Starbucks dito. Wala namang mall sa loob ng Loyola Grand Villas.’
Inayos at binayaran na raw lahat ni Eugene at kailangan na lang um-attend ni Sweet.
“Teary eyed siya, she told me right there and then, ‘Kailangan mo ng tulong kasi paulit-ulit ka. Bayad ko na ’yan. That’s 12 sessions. So, please attend.’ That’s what happened. Sa 8th session gumaling na ako. Hindi ko na tinapos. Sabi ko, ‘Feeling ko okey na ako,” pagtatapat ng komedyante.
Isa pang ipinayo sa kanya ng psychiatrist, “and surprisingly, ang mga psychiatrists akala natin more on science, the body, the mind. My psychiatrist actually told me to pray.
“Emote tayo nang emote sa mga kaibigan natin, galit na galit tayo sa mga ex natin… mga babae magpapa-parlor, mga lalaki iinom, mga bakla makikipag-sex pa nga…mas malala ang formula ng mga bakla. Nakakalimutan natin minsan na mag-pray. ’Yon ’yong basic,” kuwento ni Sweet.
Mapapanood na ang “How to Move On in 30 Days” sa YouTube simula sa Abril 4 handog ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at YouTube na idinirek nina Dick Lindayag at Benedict Mique.
Related Chika:
John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang
John Lapus inakusahang binu-bully si Duterte; Ogie ipinagtanggol si Raffy sa madlang pipol
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.