Albie Casino sa hiwalayan nila ni Andi: That’s a totally different situation sa regular break-up | Bandera

Albie Casino sa hiwalayan nila ni Andi: That’s a totally different situation sa regular break-up

Reggee Bonoan |April 01,2022
facebook
share this

Albie Casino sa hiwalayan nila ni Andi: That’s a totally different situation sa regular break-up

Reggee Bonoan - April 01, 2022 - 06:04 PM

Albie Casino sa hiwalayan nila ni Andi: That’s a totally different situation sa regular break-up

HINDI pa handang makipag relasyon si Albie Casino kaya wala pa siyang naipapakilala sa magulang niya. Ito raw ang pamantayan niya na nakapag move on na siya kapag handa na siyang magka-girlfriend at ipapakilala na sa mommy niya.

Sa “How to Move On in 30 Days” ay natanong ang aktor kung paano siya naka-move on sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend.

“Last relationship ko was 2019 pa, hindi ko nga alam kung totally naka-move on na ako kasi hindi pa ako nagka-girlfriend ulit, eh,” natatawang sabi ng binata sa face-to-face mediacon ng nasabing YouTube series.

Ayaw banggitin ni Albie ang pangalan, sabi lang niya, “she’s a beauty queen, she’s busy i the Miss Intercon… I don’t know.”

At dahil pinipilit na kahit first name lang ang ibigay, “ayoko na po s’ya bigyan ng clout, e. Hahaha!”

Saka inaming, “imposible sa akin ang 30 days (to move on).”

Nirespeto naman ng press ang sinabing ito ni Albie para na rin sa ikatatahimik niya at ng ex-girlfriend niya.

Samantala, tinanong namin kung ilang buwan o taon siya naka-move on sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann na matindi ang pinagdaanan nilang dalawa at good thing na okay na silang dalawa ngayon. At ano ang maipapayo niya sa couple na may ganito ring dinaanan.

“Hindi mo talaga masasabi na parang break-up lang yun. It’s more of iskandalo, di lang break-up lang yun.

“So, ibang-iba ‘yung process no’n kung paano ka mag-move on sa relationship ’cause I figure out, how am I gonna move on with my life after that? I can’t compare that to this series, if that’s the question,” sagot ni Albie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

 

Edad 17 palang noon si Albie nang mangyari ang talk of the town gulo nila noon ni Andi na may mga pisikal pang sakitan noon.

“Nung time na ‘yun, first relationship ko ‘yun, so wala pa talaga akong alam. I really didn’t know what’s going on.

“Nung time na ‘yun, wala akong time para na masaktan ang puso ko because there’s so many things going on with the news everything.

“It has taken away my attention from the heartache kumbaga, kaya hindi ko medyo naramdaman talaga yung sakit sa puso. Paano, ginulpi na ako, puso ko pa rin ang masakit? Siyempre, hindi ‘no, nagulpi na ako,” natatawang alaala ng aktor sabay lingon kay Maris dahil napansin siyang teary eyed na.

Sabi ng host na si Eric John Salut, “uy, iiyak ka na?”

“Hindi naman po, that’s a totally different situation sa regular break-up ng kayo ng ex mo or something. Hindi ko talaga siya nako-compare even to my other relationships,” sambit pa.

At pagkatapos pala ni Andi ay nagkaroon ng karelasyon si Albie na isa ring artista na mas nahirapan siyang mag-move on.

Tsika ni Albie, “after si Andi, I even dated si Dawn Violago, she’s an artista. Her name is Dawn Jimenez, that’s her stage name. She’s on “On the Job” with Gerald Anderson.

“We broke up. Dun medyo nadurog din ako dun. That took me a lot to get over.

“Pero ‘yung kay Andi, I was basically over that the next day ’cause there were so many things going on. Parang I can’t concentrate on a broken heart na. It’s all over the news, nabugbog pa ako. Ang dami talagang ibang nangyari.”

Anyway, gagampanan ni Albie bilang probinsyanong boyfriend ni Maris Racal at magkababata sila na may ambisyong maging artista at nang magkaroon na ng ibang kakilala sa Maynila ay nabago na ang desisyon at iniwan na ang dalaga.

Mending a broken heart, nakilala ni Maris si Carlo Aquino na boyfriend for hire naman ang sideline para pasakitan si Albie na sa kalaunan ay nagka-developan na ang dalawa.

Si Sachzna ang influencer na ipinalit ni Albie at sina Joi Agpangan, Kyo Quijano ang mga kaibigan ni Maris na tumulong para makalimutan ang ex-boyfriend at si Poppert Bernadas ay kaibigan naman ng kaliweteng boyfriend ni Maris.

Si John Lapus naman ang boss nina Maris, Albie at Sachzna sa isang ad agency samantalang si Phoemela Barranda ang mama ni Maris na isang seawoman kaya lagi silang magkalayo.

Ang “How to Move On in 30 Days” ay produced ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at YouTube mula sa direksyon nina Dick Lindayag at Benedict Mique na mapapanood na simula April 4 sa YouTube.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Albie walang paki kung ayaw sa kanya ng mga tao: Tanggap ko kung bakit hindi mo ako gusto

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending