Albie walang paki kung ayaw sa kanya ng mga tao: Tanggap ko kung bakit hindi mo ako gusto Bandera

Albie walang paki kung ayaw sa kanya ng mga tao: Tanggap ko kung bakit hindi mo ako gusto

Ervin Santiago |January 14,2022
share this

Albie walang paki kung ayaw sa kanya ng mga tao: Tanggap ko kung bakit hindi mo ako gusto

Ervin Santiago January 14, 2022 - 08:13 AM

Albie Casino

“I DON’T try to be someone else for other people.” Ito ang ipinagdiinan ng Kapamilya hunk actor na si Albie Casino tungkol sa patuloy na pamba-bash na natatanggap niya mula sa mga netizens.

Wala raw pakialam ang binata kung mas marami pa ang nagalit o na-offend sa kanya noong naging celebrity housemate siya sa katatapos lang na “Pinoy Big Brother” Season 10 ng ABS-CBN.

Aniya, naiintindihan daw niya ang mga reaksyon at sentimyento ng mga manonood at sumusubaybay sa “PBB” at nagpapasalamat din siya sa opportunity na maging bahagi ng nasabing reality show.

Isa raw sa mga hindi niya malilimutang moment niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay nang aminin niya sa madlang pipol na meron siyang attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, at kung paano ito nakaapekto sa pakikisalamuha niya sa mga kapwa housemates.

Bukod dito, natutuwa rin si Albie dahil feeling niya dumami rin ang mga taong sumusuporta sa kanya ngayon, at idagdag pa mga ang nabuong fan groups para sa tambalan nila ng isa pang housemate na si Shanaia Gomez.

“I’d like to think it’s because I was just super authentic inside the house, kaya sila nag-gravitate towards that.

“I guess people can see kapag you’re just being yourself, e. Not just sa ‘PBB’ house, but I’d like to think na kahit saan ako pumunta, kahit sa Pilipinas o sa ibang bansa, no matter where I go, I’d like to think I’m just being myself,” pahayag ni Albie sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “I don’t try to be someone else for other people. Iba naman ‘yung pakikisama. 

“Iba ‘yun sa nagpapalit ka ng ugali, para magustuhan ka ng tao. And I think never ko ginawa ‘yun, never ko gagawin ‘yun. I’m going to be myself regardless,” lahad pa ng Kapamilya hunk.


Samantala, naniniwala rin si Albie na malaki ang nagawa ng kontrobersyang kinasangkutan niya noong 2011 kung saan siya ang unang itinuro ni Andi Eigenmann na ama ng kanyang ipinagbubuntis, sa mga pananaw niya sa buhay ngayon.

“Isa ‘yan sa mga napulot from the years of controversy, the bashing. Because nangyari ‘yun, now, I don’t care if people don’t like me. I’ve been there. 

“Ang daming taong nagalit sa akin para sa bagay na hindi ko naman ginawa.  

“I don’t mind if people are mad at me for me being myself. Okay lang. People have hated me for no reason at all, tanggap ko kung ayaw mo ako dahil sa sarili ko,” sabi pa ni Albie.

Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa…

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending