Gabbi, Khalil ipinakonsulta sa psychiatrist bago gawin ang 'Love You Stranger' ng GMA...bakit kaya? Bandera

Gabbi, Khalil ipinakonsulta sa psychiatrist bago gawin ang ‘Love You Stranger’ ng GMA…bakit kaya?

Ervin Santiago |March 29,2022
share this

Gabbi, Khalil ipinakonsulta sa psychiatrist bago gawin ang ‘Love You Stranger’ ng GMA…bakit kaya?

Ervin Santiago - March 29, 2022 - 07:44 AM

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

MUKHANG puno ng misteryo ang unang primetime series sa GMA 7 ng real life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na “Love You Stranger”.

Last Friday (March 25), ipinasilip na ng Kapuso Network ang teaser ng upcoming GMA Public Affairs mystery romance series na pagbibidahan nga ng tambalang GabLil kung saan ay may makikitang mga anino or shadow figure sa kakahuyan.

Say ng netizens, nakaka-excite at nakakaintriga raw ang teaser. Siyempre pa, hindi na magkanda-umayaw ang GabLil fans na matagal nang inaantay ang pag-ere ng kanilang first teleserye together.

Bukod sa impressive na animation, dapat ding tutukan ng viewers ang konsepto ng “story within a story” ng nasabing serye at ang pagtalakay nito sa mental health.

“Maraming mapi-feel sa ‘Love You Stranger,’ bukod sa romantic ito, mayroong mysterious side at thriller at angle towards mental health,” kuwento ni Gabbi sa “24 Oras.”

Kaya naman daw naging maingat talaga ang production team sa paglalatag ng istorya nito.

“Before mag-start ang taping, pinaka-consult muna kami sa psychiatrist. Hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic,” dagdag pa ng Kapuso actress at TV host.

Halos 50 days sa lock-in taping ang GabLil couple at ito na nga raw ang pinakamatagal na panahon na nawalay sila sa kanilang pamilya.

Ito na rin daw ang pinakamatagal nilang pagsasama para sa isang project. Kaya naman marami pa talaga silang nadiskubre sa ugali at personalidad ng isa’t isa.

“Marami kaming natutunan, hindi lang tungkol sa sarili namin, hindi lang sa relationship namin. Marami kaming natutunan sa trabaho, ‘yung dedication namin sa trabaho,” say ni Khalil.

“’Yung patience namin sa isa’t isa, talagang na-test,” dagdag pa niya.
Ka-join din sa nasabing serye sina Gil Cuerva, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin at Andrea del Rosario.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


* * *

Bukod sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na “Dapat Totoo.

Pinangunahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.

Ang pagsasama-sama ng Kapuso stars ay bilang pagpapaalala sa publiko na kahit tayo ay magkakaiba, pareho pa rin ang pangarap natin para sa bansa at sa bawat Pilipino: disente at ligtas na buhay at magandang kinabukasan. At pare-pareho rin tayong may responsibilidad mapa-kandidato, botante, o mamamahayag man: ang maging matapat, mapanuri, at patas. Dapat Totoo ika nga lalo na’t ilang araw na lang, Eleksyon 2022 na.

Kasama rin sa “Dapat Totoo” advocacy campaign ng Kapuso Network sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Jasmine Curtis-Smith, Barbie Forteza, Bianca Umali, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Glaiza de Castro, at Andrea Torres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna na ang mga GMA News and Public Affairs pillars at news personality sa Dapat Totoo advocacy plug na ni-launch late last year.

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending