I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |September 19,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - September 19, 2013 - 01:17 PM

Mula kay Reymarie Austria ng Bangcal, Meycauyan, Bulacan. May boyfriend po ako sa ngayon, itatanong ko lang kung compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan? November 19, 1989 ang birthday ko at July 11, 1988 naman ang boyfriend ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong November 19, 1989 at July 11, 1988, compatible kayo ng boyfriend mo, kung kaya’t mas malamang kaysa  hindi – kayo na ngang ang magkakatuluyan, higit lalo kung ang boyfriend mo ay medyo “medium built” lang kanyang pangangatawan at pagkalalaki.
>>>
Mula kay Bok ng …2495, Iloilo City. Umabot po ako ng edad 35 ng hindi man lang nagka-girlfriend, pero gusto ko sanang mag-asawa. Kahit kaya mahiyain ako pag dating na sa babae, magkaka-girlfriend kaya ako at magkakapag-asawa pa ba ako? April 25, 1978 ang birthday ko.
Tugon ni Mamdam Sophia: Ayon sa birthday mong April 25, 1978, makapag-aasawa ka pa at ito ay inaasahang magaganap sa taong 2015 sa edad mong 35 pataas hatid ng isang babaing medyo maitim o kayumangi ang kulay pero may pagka-sexy.
>>>
Mula kay Joswa ng …1045, Sucat, Paranaque City. Compatible po ba kami ng girlfriend ko na sinilang nuong February 12, 1992 at June 9, 1991 naman ako?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong  June 9, 1991, at February 12, 1992 naman ang girlfriend mo, walang duda, compatible at tugma nga kayo.
>>>
Mula ay Robert San Diego ng Balibago, Angeles City. Ako po ay tapos ng Marine Transportation pero hanggang ngayon di parin ako nakakasampa sa barko. May pag asa kayang makapag-barko ako at maging seaman? March 17, 1987 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 17, 1987 sa tulong ng isang kaibigang may zodiac sign na Cancer, kung susubukan mong mag-aplay na ngayon sa mga shipping company na berde angh kulay ng kanilang logo, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2014 sa edad mong 27 pataas makapagse-seaman ka at tuluyan ng makakasampa sa barkong pang-international. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending