Veteran actor Dido dela Paz humuling ng dasal, tulong pinansiyal: Yung cancer ko kumalat na, umabot na sa utak
UMAASA at humihiling ng isang himala ang award-winning veteran actor na si Dido dela Paz para sa paggaling ng kanyang karamdaman.
Ibinahagi ng beteranong character actor sa publiko ang kanyang kundisyon sa pamamagitan ng Facebook kung saan nananawagan din siya ng financial aasistance sa may mga mabubuting puso.
Sa pagkakaalam namin, na-diagnose na may adenoid cancer si Dido noong 2008. Ang adenoid cancer ay isang bihirang uri ng cancer na nagdi-develop sa salivary glands o ibang bahagi ng ulo at leeg.
Inamin ng aktor na hindi na raw siya maaaring operahan dahil kumalat na sa kanyang katawan ang cancer at umabot na rin sa sa utak niya.
“Hindi ako makatulog…” ang panimulang mensahe ng 65-years old na veteran actor na ipinost niya sa Facebook kaninang madaling-araw, March 28.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ng aktor na nagmarka sa manonood bilang Doc na mentor ng rapper na si Abra sa Cinemalaya 2017 entry na “Respeto”, “Paano na kaya ito???… Sabi ng doktor hindi na raw pwedeng operahan yung cancer ko. Kumalat na.
“Base sa nakita sa ctscan, umabot na sa utak ko. May nasilip din sila’ng kung ano sa lungs ko.
“Kailangan kong ma test to rule out TB dahil baka mahawaan ko ang pamilya ko, ang mommy ko na 96 yrs old na at mga anak kong mga bata pa,” lahad pa niya.
At ang pinakamasaklap pang balita na natanggap niya mula sa kanyang doktor, “Hindi din daw makukuha sa chemo. Radioncology daw ang posible pero mahal. Kailangan ng cranial ctscan, chest ctscan,o baka petscan para isahan nalang.
“Lumolobo ang utak ko sa halagang kakailanganin. Gusto kong gumaling, lumaban!
“Gusto kong mabuhay, hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko na mga nagaaral pa at ako lang ang inaasahan.
“Gusto ko sanang maka attend ng debut ng 14 year old daughter ko…pero Paano?
“Pinoproblema ko nga yung upa nitong bwan na ito. Koryente, pagkain…. Paano!!!???” ang pahayag pa ni Mang Dido.
Aniya pa, “Kaya humihingi ako ng dasal, dahil hindi ko maisip kung paano. Wala akong naipon, Matagal na akong walang trabaho. Wala akong options! Nagdadasal ako para sa milagro.
“Pinagdadasal ko na sana may mga tumulong ulit sa akin. Na sana hindi magsawa at muli ay tumulong. Mga may konting sobra na magse share ng kanilang blessings.
“Hindi ko kayo kayang bayaran pero masusuklian ng Diyos ang inyong pasakit, kabutihang loob at pagmamahal.
“Kung meron sa inyong nahihipo ng Diyos na tumulong, nasa ibaba ang mga detalye kung saan pwede niyong ipadala ang tulong niyong pinansyal.
“Help me please…HELP US? Please continue praying also,” pakiusap pa niya.
Makikita ang mga impormasyon tungkol sa kanyang bank details sa kanyang Facebook account para sa lahat ng nais tumulong.
https://bandera.inquirer.net/281251/kikitain-ng-vlog-ni-toni-ido-donate-para-sa-chemo-ng-dalagitang-may-stage-3-ovarian-cancer
https://bandera.inquirer.net/285267/aktres-hindi-type-ang-leading-man-sa-ginawang-pelikula-magkaibang-level-ang-utak
https://bandera.inquirer.net/291012/resbak-ni-lolit-solis-sa-mga-haters-pag-nagtanggol-ka-ng-tao-gumamit-ka-ng-utak-at-puso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.