Nawalang wallet ni Chito naibalik na, walang bawas: Marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo | Bandera

Nawalang wallet ni Chito naibalik na, walang bawas: Marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo

Ervin Santiago |March 28,2022
facebook
share this

Nawalang wallet ni Chito naibalik na, walang bawas: Marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 09:26 AM

Wallet ni Chito Miranda naisauli na

Chito Miranda

“NANINIWALA talaga ako na mas marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo!”

Iyan ang positibong hugot ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda nang mawala ang kanyang wallet habang nasa Batangas.

Kuwento ng singer-songwriter, hindi naman daw siya nag-alala nang madiskubreng nawawala nga ang wallet niya dahil nararamdaman niyang makukuha niya uli ito.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Chito ang tinutukoy niyang wallet at sey niya sa caption, “Last Monday, nagpunta ako sa Pico de Loro to do some errands (para magbayad ng home owner association dues, para i-check yung renovations sa isang unit ni Neri, and yes, para tumambay na rin sa beach sandali since nandun na rin ako).

“Pag-uwi ko sa Alfonso, napansin ko na nawawala yung wallet ko,” kuwento ng mister ni Neri sa kanyang social media followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Pero aniya, “Honestly, hindi ako na-stress kasi feeling ko babalik din naman sya sa akin.

“After checking with our caretakers sa condo, the bldg admins, pati yung mga head ng beach club, they sadly informed me na wala daw silang nahanap na wallet.

“I had no choice but to block all my cards, just to be safe…pero feeling ko, mahahanap ko pa rin naman yung wallet ko,” pagpapatuloy pa ni Chito.

Kinabukasan, may nag-message raw kay Neri, “Napulot daw ng asawa nya yung wallet ko sa kalye.
“Nahulog siguro nu’ng nag-scooter ako around Pico driver daw for a construction company yung asawa nya, at hinatid nila sa reception area ng condo namin yung wallet.

“Kumpleto lahat, kahit yung cash,” chika pa ng OPM icon.

Sa huli, nagpahayag si Chito ng kanyang pasasalamat ng lahat ng mga taong honest at hindi mapagsamantala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon daw niya mas napatunayan na napakarami pa ring mabubuting tao sa mundo na mas pinipiling maging makatao kesa magsamantala sa kapwa.

Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins!

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Nanay ni Nadia ninakawan sa loob ng shopping store; nalimas ang pera sa 2 ATM card sa loob lang ng 3 minuto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending