AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu | Bandera

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

Ervin Santiago |March 27,2022
facebook
share this

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

Ervin Santiago - March 27, 2022 - 06:55 AM

ayanna misola, sean de guzman at aj raval

ayanna misola, sean de guzman at aj raval

PALABAN ang naging sagot ng kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval nang matanong tungkol sa mga isyu at iskandalong kinasangkutan niya.

Swak na swak nga ang rumored girlfriend ni Aljur Abrenica sa titulo ng bago niyang project, ang Vivamax original series na “Iskandalo” na mapapanood na simula sa April 10.

Isang social media personality na nasangkot sa sex scandal ang karakter na ginagampanan ni AJ sa “Iskandalo” na may 10 episode.

Makakasama niya rito sina Jay Manalo, Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman at Francis Magundayao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Sa nakaraang virtual mediacon ng “Iskandalo”, natanong si AJ at ang iba pang cast kung nasangkot na ba sila sa video o sex scandal. Ayon sa aktres wala raw siyang sex scandal pero nasangkot na siya sa mga maiskandalong isyu.

“Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video. Pero naiskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all!

“Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings,” matapang na pahayag ng dalaga.

Kasunod nito, inamin din ni AJ na kahit paano’y nakatulong din sa career niya ang mga kinasangkutang isyu at kontrobersiya kahit pa puro kanegahan ang mga ito.

“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan yung career ko.

“So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga iskandalo na binubuo nila. Yun lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya,” chika ng anak ng action star na si Jeric Raval.

Samantala, aminado naman ang direktor ng “Iskandalo” na si Roman Perez na may nararamdaman pa rin siyang kaba kapag may mga bago siyang project na ipalalabas.

“Medyo may pressure siyempre pero nothing beats hard work. So, pagbubutihin lang namin ang work namin talaga. At yung nga din ang ginawa namin.

“Swerte ko, magagaling ang artista na kasama ko. Tiyak solve ang viewers sa ‘Iskandalo.’ Kumpleto ito. May sex, may action, may suspense at drama,” sey ni Direk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iskandalo” streams on Vivamax starting April 10.

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

AJ Raval: Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita… napakabuti ng puso niya

Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n’yo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ikauunlad ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending