Paolo, Yen spotted na magka-holdings hands sa mall, hindi totoong hiwalay na? | Bandera

Paolo, Yen spotted na magka-holdings hands sa mall, hindi totoong hiwalay na?

Reggee Bonoan |March 25,2022
facebook
share this

Paolo, Yen spotted na magka-holdings hands sa mall, hindi totoong hiwalay na?

Reggee Bonoan - March 25, 2022 - 04:40 PM

Paolo, Yen spotted na magka-holdings hands sa mall, hindi totoong hiwalay na?

NAKAKAPAGTAKA na may mga nagsabing hiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos, e, last March 19 sa Rockwell, Makati ay nakita silang naglalakad habang magka-holding hands.

Mukhang paborito ni Paolo ang short na puti dahil ito ulit ang suot niya at naka-gray ng shirt samantalang si Yen ay naka blouse ng puti, itim na pantalon at nakasuot ng putting baseball cap.

Nakasabay ng dalawang personalidad ang babaeng tila nagta-trabaho sa isang Korean restaurant dahil sa suot nito.

Hindi naman itinanggi ng aktor na lumalabas sila ni Yen pero bilang magkaibigan lang daw.

Tulad nga ng madalas naming naririnig, ‘what you see is what you get’. Kung ayaw umamin, e, di huwag pilitin as long as hindi nila tayo ini-istorbo.

 

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

* * *

Dalawa ang nadagdag pa sa teen housemates ni Kuya sa pagpasok nina Stephanie Jordan at Paolo Alcantara upang magbigay ng sigla sa mga tagasubaybay ng “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Ipinanganak sa New Zealand si Stephanie (“Ang Freespiriteen Voice ng Cebu”) na dating kalahok sa “The Voice Kids,” pero kalaunan ay nanirahan sa Cebu na probinsya ng kanyang ina. Nakababatang kapatid naman ni “Hello, Stranger” star na si JC Alcantara si Paolo (“Ang Determinadong Pogisyano ng Nueva Ecija”) na nais ding gumawa ng marka sa industriya tulad ng kanyang kuya.

Sa episode noong Lunes (Marso 21), natulungan nina Ashton Salvador, Don Hilario, Dustine Mayores, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Kai Espenido, Luke Alford, Maxine Trinidad, Rob Blackburn, Stef Draper, at Tiff Ronato sina Stephanie at Paolo na tuluyang makapasok sa ‘PBB’ house dahil nagawa nila ang task ni Kuya na matukoy ang mga gamit mula sa dekada 90 tulad ng diskette, VHS, at plastic balloons.

Puspusan na rin ang 13 housemates sa kanilang bagong weekly task na paggawa ng basketball choreography matapos silang matalo sa unang weekly task.

Samantala, nagsanib-pwersa naman sa unang pagkakataon ang P-Pop groups na BINI at SB19 para sa bagong bihis ng kantang “Kabataang Pinoy” na unang pinasikat ng Itchyworms. Tinanghal nila nang live ang kanilang bersyon na soundtrack ng “PBB Kumunity” Teen Edition noong weekend.

“First ever na nagka-collab kami ng P-Pop group so that’s why it’s very special,” ani ng SB19.

Pahayag naman ng BINI, “ Ang genuine lang ng nabuong friendship po and can’t wait to do more collaborations with them.”

Sa pagsusulat na ito, nasa number 44 sa trending list sa YouTube ang official music video ng “Kabataang Pinoy” na mapapanood sa YouTube Channel ng Star Music.

Magtagumpay kaya ang teen housemates sa basketball choreography weekly task? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm kasama ang ex-adult housemate ni Kuya na si Zach Guerrero ngayong linggo.

Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

 

Related Chika:
Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos
Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending