Andrew E sa mga um-attend ng UniTeam rally sa Cavite: Totoo ang tao dito, walang photoshop!
SOBRANG taas ng energy ng rapper na si Andrew E sa ginanap na Cavite Uniteam rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte noong March 22.
Sa Facebook live video ng naganap na Uniteam sortie sa General Trias, Cavite ay makikita ang rapper na nagpe-perform bilang pagpapakita ng suporta para sa mga kandidato sa ilalim ng Uniteam.
Bago nga ang pagkanta ni Andrew E ng kanyang pamosong kanta na “Banyo Queen” ay nakipag-engage muna siya sa audience para ma-hype ang mga ito.
“Totoo ang tao dito, walang photoshop!” saad ng rapper na inulit ng crowd at naging chant na ng buong dumalo sa naturang rally.
Matatandaang usap-usapan ngayon kung ilan nga ba ang total attendees ng nasabing campaign rally.
Ayon kay Gov. Jonvic Remulla, ang estimated na capacity ng sports park ay aabot sa 100,000 at kung idadagdag raw ang mga tao sa labas na nasa 40,000 raw pero sa tingin niya ay nasa 120,000 katao ang present sa rally.
View this post on Instagram
Pero taliwas ito sa paunang pahayag ng kanyang kapatid at Cavite Rep. Boying Remulla dahil sinabi nitong imposible raw na umabot ng 47,000 ang kapasidad ng naturang sports complex.
Ito ay kanyang sinabi matapos ideklara na umabot ng halos 47,000 ang mga dumalong Caviteño sa naganap na Leni-Kiko sortie noong March 4.
Bukod pa rito, kalat na rin sa social media ang “pekeng” larawan na umano’y drone shot na kuha mula naganap na rally.
May mga lumalabas kasing balita na mula daw ito sa naganap na Bikers Day sa Dashyat, Indonesia noong 2018.
Samantala, nagphayag naman ng pasasalamat si Andrew E sa vice presidential candidate na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Saad niya habang nasa stage, “Pasalamat dahil kung hindi sa inyong lahat at kay Inday Sara ay wala pong Andrew E.”
Related Chika:
Parokya ni Edgar, Agsunta, Cong TV itinangging parte ng UniTeam campaign rally
Depensa ni Jonvic Remulla sa pamimigay ng pera sa Uniteam sortie: BBM was not mentioned
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.