Ogie Diaz babayaran ang utang ng anak ni Dagul sa school para makapag-aral sa kolehiyo | Bandera

Ogie Diaz babayaran ang utang ng anak ni Dagul sa school para makapag-aral sa kolehiyo

Reggee Bonoan - March 21, 2022 - 06:01 PM

Dagul, Jkhriez Pastrana at Ogie Diaz

Dagul, Jkhriez Pastrana at Ogie Diaz

DAHIL hindi makaka-graduate ng senior high ang bunsong anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana, 18, ay ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na ang magbabayad ng mga utang nito.

Ito ang ipinangako ni Ogie nang makatsikahan niya ang komedyanteng si Romeo Pastrana o mas kilala bilang si Dagul sa kanyang sariling YouTube channel na in-upload nitong Linggo ng gabi.

Si Jkhriez ang nakamana sa kalagayan ng ama pero hindi ito naging hadlang para hindi niya ituloy ang kanyang mga pangarap.

“Grade 12 student na po ako,” bungad ng dalaga kay Ogie.

At inamin nitong hindi siya sigurado kung makakapagtapos siya ng senior high school dahil, “Kasi nu’ng grade 10 po ako merong hindi nabayaran sa school, so, hold po nila ‘yung papers ko at card, mga diploma ko. Bale pinaakyat lang po ako ng stage (grade 10) pero walang ibinigay sa akin.”

“Ah, pinaakyat ka ng stage sa moving up?” tanong ni Ogie.

“Opo kasi honor student po ako.  Consistent honor student po ako from elementary to high school (sabay pakita ng larawang may mga suot na medalya,)” kuwento pa ng bunsong anak ni Dagul.

“So sa school mo hindi ka muna nila pasasampahin sa grade 12 this graduation? Ilang taon kang hindi nakabayad ng tuition fee?” balik-tanong ng content provider.

“Simula grade 7 po, high school.  Pagtuntong ng high school po, hinold na nila ang papers ko,” malungkot na sabi ni Jkhriez.

At ngayong magkokolehiyo na ang dalaga ay naghahanap siya ng pwedeng pag-aplayan ng scholarship para matugunan ang pag-aaral niya.

“Naghahanap po ako ng scholarship para matuloy ko po ang college ko kasi,” saad ni Jkhriez.

Sabay sabi ni Ogie, “Ikaw ang pinoproblema ng tatay mo hindi ka na raw niya masustentuhan sa pag-aaral mo?”

“Oo nga po,” ang maluha-luhang sambit ng dalaga. “Kaya go lang po nang go, pray lang kung may opportunity na dumating kasi gusto ko po talagang maka-graduate .”

At dito na sinabi ni Ogie na, “Ako na ang sasagot sa mga utang mo.”

Napatakip ng mukha si Jkhriez at tuluyan nang naiyak, “Totoo po?”

Pareho ang mag-amang Dagul at Jkhriez na naiyak sa sinabi ni Ogie.

“Thank you po,” umiiyak na sabi pa ng dalaga.

“Basta pagbubutihin mo lang ‘yung pagka-college, ha?” bilin ni Ogie sa anak ni Dagul.

Pinapakuha na ni Ogie ang mga requirements na kakailanganin ni Jkhriez para sa pagtuntong niya sa kolehiyo, “Patawagin mo sa akin ‘yung admin o kami ang tatawag sa admin para ako na ang magbayad,” saad pa ng talent manager.

Sabi ni Dagul, “Sayang ang pangarap hanggang ngayon (honor student). Gusto talaga niyang mag-aral.”

Sabay hirit ni Jkhriez ng, “Gusto ko pong maging abogado, maging Attorney Jkhriez someday.”

“Alam mo maraming nanonood sa atin, maraming malalambot na puso at hindi nila alam kung saan ba nila dadalhin ang pera nila. Kapag napanood nila ito, e, ibigay sa amin ‘yung itutulong nila,” pahayag ni Ogie.

Abut-abot ang pasasalamat ni Dagul kay Ogie sa tulong nito sa anak na sinabi naman ng huli na naging mabait naman siya sa showbiz industry at naging mabuting ama rin.

Sabay tanong pa ni Ogie kay Jkhriez, “Hindi naging hadlang sa ‘yo ‘yung lagay mo?”

“Actually, hindi naman po. Kasi si papa nga nagawa niya, ako pa kaya? So, parang nagiging inspirasyon ko si papa na ipagpatuloy hindi naman sila nagpabaya sa akin at alam kong punung-puno ako ng pagmamahal.

“Gusto ko pong ipakita sa lahat ng tao na kahit ganito kami kahit na may kapansanan ako kayang-kaya ko pong makipagsabayan sa normal,” pahayag ng dalaga.

Aminadong nakatikim din soya ng pambu-bully noong araw, “Siyempre nu’ng bata po nasasaktan ako, pero ang naging coping mechanism ko is salita lang ‘yun pag pinansin ko, liliko ako.

“E, gusto ko diretso na. So, pag pinakinggan ko sila liliko ako, ako rin po ‘yung kawawa. Happy naman po ako kung ano ang nagawa ko ngayon kasi nagiging inspirasyon ako sa mga kabataan ngayon,” positibo pang pananaw ng anak ni Dagul.

https://bandera.inquirer.net/289586/long-mejia-naisahang-muli-si-ogie-diaz

https://bandera.inquirer.net/298143/ogie-may-advice-kay-kuya-kim-tulungan-mo-na-lang-ang-tatay-mo

https://bandera.inquirer.net/292674/pinag-iisipan-kong-tumakbong-presidente-o-kaya-senador-pwede-na-po-ba-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending