Mackie ng TNT Boys na-frustrate sa pagbabago ng boses: May songs na hindi ko na kayang ibirit
NABUWAG na nga ba ang grupong TNT Boys? Nagkanya-kanya na ba sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez at Francis Concepcion?
Nope! Hindi pa disbanded ang TNT Boys ngunit kumpirmadong magkakaroon nang kanya-kanyang solo paandar ang tatlong Kapamilya teen singers ngayong 2022.
Una na nga riyan si Mackie na nag-release na ng kanyang solo single, ang sariling version niya ng Smokey Mountain original na “Can This Be Love,” which was arranged and produced by Marvin Querido.
Kamakailan ay pumirma rin si Mackie ng solo contract sa TNT Records, Star Music at Polaris Entertainment, kasama si Reily Santiiago, ang head ng mga nabanggit ng music companie at si Jonathan Manalo, creative director ng ABS-CBN Music.
“I feel so blessed that I am now one of ABS-CBN Music artists. Super saya ko po,” sey ng teen singer.
Feeling blessed din si Mackie na pagkatapos ilabas ng kanyang idol na si Sarah Geronimo ang version nito ng “Can This Be Love” ay siya naman ang napiling mag-record nito.
“I cannot explain how happy I am to have my own version of ‘Can This Be Love’ at such a young age. Isa ako sa mga nakarinig ng ‘Can This Be Love.’ So when I heard it, I was convinced na pwede kong kantahin. It suits my age,” sabi ng member ng TNT Boys.
Inamin naman ni Mackie na medyo nagbago na rin ang timbre ng kanyang boses ngayon nagbibinata siya, “Sobrang taas ng voice ko dati. Bumibirit kami talaga. Sobrang taas.
“‘Yung paglaki ng voice ko, naging awkward for me. Na-frustrate ako at na-sad. Sobrang hirap, kasi may mga songs na ipapakanta sa akin pero hindi ko na kaya.
“Nalungkot ako. But na-overcome ko ‘yun by accepting my new voice at kung paano na gamitin ang new voice ko. Eventually, nasanay na din ako,” pahayag pa ni Mackie.
Kaya ang payo niya sa mga young singers na dumaraan din sa ganitong stage, “Don’t give up. Don’t stop singing. Normal ‘yan na dumadating sa buhay ng mga lalaki. ‘Yung paglaki at pag-iba ng boses. Pero katulad ko, nakahanap ako ng genre na bumagay sa boses ko. Accept your new voice.”
View this post on Instagram
Samantala, kahit hindi pa nai-in love sa tunay na buhay, nabigyan ng justice ni Mackie ang “Can This Be Love?” Humugot daw siya sa, “Love for my family is what I have now,” he admitted. “Palagi silang around to support, listen and love me in return.
“Tsaka I think it’s normal naman na magkaroon ng crush, not yet love. Ang mga showbiz crushes ko sina Kathryn Bernardo and Liza Soberano,” sey ni Mackie.
Kasunod nito, nilinaw nga ng young singer na hindi mabubuwag ang grupo nila nina Kiefer at Francis, “TNT Boys are not disbanding. I am exploring new things na kaya kong gawin.
“But I’m still a member of the TNT Boys. We support each other. Masaya sila for me. I want to really learn to be a performer. Singing and dancing. Gusto ko rin to explore the world of drama,” paliwanag niya.
Ayon naman sa TNT Records at Polaris Entertainment head na si Reily Santiago, naniniwala sila sa talento ni Mackie na gusto nilang ibahagi sa mas marami pang music fans.
Aniya, “Alam naman natin ang achievements ni Mackie at ang talento niya and we just want to share that. Abangan nyo ang gift niya sa kanyang fans!”
https://bandera.inquirer.net/303526/pagiging-singer-ni-belle-mariano-aksidente-lang-nabuking-ang-ganda-ng-boses-sa-videoke
https://bandera.inquirer.net/280230/solo-single-debut-ni-rose-ng-blackpink-umakyat-sa-no-43-sa-uk-charts
https://bandera.inquirer.net/306928/gigi-de-lana-hindi-naniniwala-sa-pag-inom-ng-salabat-para-maalagaan-ang-boses
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.