Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo | Bandera

Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo

Therese Arceo |March 16,2022
facebook
share this

Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo

Therese Arceo - March 16, 2022 - 02:58 PM

Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo
FUNNY pero sweet ang naging atake ng aktres na si Angel Locsin para sa kanyang birthday greeting sa asawang Neil Arce kahapon, March 15.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kanyang kwelang birthday greeting kung saan nabanggit niya ang mga kaibigang sina Anne Curtis, Marian Rivera, Bea Alonzo pati na rin ang mga partners nito.

“Hindi man siya kasing galing nila @erwan

@dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort.

“Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo, panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sakin,” saad ni Angel.

Dagdag pa niya, “Maligayang kaarawan my love @neil_arce Mag-aral ka lang mag picture, sobrang perfect mo na talaga (peace sign emoji).”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

 

Isang matamis na “I love you” naman ang reply ni Neil sa asawa.

Napa-comment naman ang mga taong nabanggit sa post ni Angel na pawang tawang-tawa sa ginawa ng kaibigan.

Sabi ni Bea, “Hahahahhaah Happy birthday @neil_arce!!!”

“Whahahah di bale maganda naman subject nya palagi! Happy birthday Neil,” comment naman ni Marian.

Sey naman ni Anne, “Hahahaha happy birthday @neil_arce!!!!!!”

Bukod sa tatlo ay marami pa ang bumati sa asawa ni Angel gaya nina Dominic Roque, Nikki Valdez, Bianca Gonzalez, at marami pang iba.

Taong 2018 nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon sa publiko at nakaplanong magpakasal noong Nobyembre 2020 pero hindi ito natuloy dahil sa banta ng COVID-19.

Matatandaang noong August 2021 ay ginulat nina Angel at Neil ang madlang pipol sa kanilang civil wedding sa Taguig City na officiated ni Mayor Lino Cayetano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong Pebrero naman ay sinorpresa ni Neil ang asawa ng kanilang wedding ring dahil noong ikinasal sila ay ang kanilang engagement ring at son’s ring ang ginamit nila para sa kanilang civil wedding.

Related Chika:
Angel, Neil magpapakasal pa rin sa simbahan; Dimples naging instant photog sa civil wedding
Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending