James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may 'something' na nga ba? | Bandera

James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may ‘something’ na nga ba?

Therese Arceo |March 15,2022
facebook
share this

James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may ‘something’ na nga ba?

Therese Arceo - March 15, 2022 - 02:55 PM

James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may 'something' na nga ba?
VIRAL ngayon ang mga larawan at video clips kung saan makikitang magkasama sina James Reid at Nancy Mcdonie ng K-pop group na Momoland.

Base sa mga kumakalat online ay makikita ang dalawa na magkasama sa isang amusement park sa Los Angeles kung saan panandaliang nag-i-stay ang singer-actor para sa kanyang music recording.

Bukod pa rito ay may mga larawan rin kung saan makikitang magkatabi sila ni James.

Kasama rin ng dalawa sa viral photos and videos ang kaibigan ng actor-singer na si Ivan Dorschner, Hollywood celebrity photographer Sthanlee Mirador, pati na rin ang dating member ng K-pop boy band U-KISS na si Kevin Woo.

Nagmula pala ang kumakalat na video mula sa Instagram story ni Ivan na agad nitong dinelete.

Marami tuloy ang curious kung may namamagitan nga ba kina James at Nancy na unang nagkakilala noong 2019 para sa kanilang pagsasamahang Kapamilya project ma “The Soulmate Project”.

Naunsyami kasi ang nasabing proyekto dahil sa COVID-19.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

 

Marami rin ang tila curious kung matutuloy na nga ba ang tambalan onscreen nina James at Nancy dahil sa ngayon ay lumuluwag na rin ang COVID-19 restrictions.

Matatandaang noong February 2021 ay naglabas ng pahayag ang direktor ng “The Soulmate Project” na si Antoinette Jadaone na mas pipiliin na lang niyang gawin ang proyekto kapag hindi na masyadong mahigpit kaysa i-compromise ang istorya para lang mag-fit sa safety protocols dahil baka iba ang kalabasan ng proyekto kung ipipilit.

Samantala, inanunsyo rin ni James na hindi na siya magiging parte ng proyekto pero hindi naman niya sinabi noong ang dahilan.

Pero kung matutuloy man ito, si James pa rin kaya ang bibida sa istorya?

At kung hindi na, tama kaya ang hinuha ng netizens na may “something” sa dalawa?

Anyway, magbabalik na rin namang muli si James sa Pilipinas ngayong darating na Abril at abangan na lang natin kung ano ang mga susunod na update sa kanila ni Nancy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka kasi nagkita lang naman sila “as a friend” sa Los Angeles at wala naman talagang something at nagkataon lang na nasa iisang lugar lang sila at sinamantala na ang pagkakataon para magkita.

Related Chika:
Nadine game pa ring makatambal si James sa bonggang project; may mensahe sa mga loyal fans
James Reid hindi pa rin nabebenta ang bahay; umaasang may chance pa kay Nadine?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending