Sino nga ba sa mga presidential candidate ang totoong susuportahan ni Duterte?
NAGULUHAN lang kami kay Presidente Rodrigo Duterte dahil mukhang nagbago na naman ang kanyang isip kung sino talaga ang susuportahan niyang pangulo sa darating na eleksyon.
Buong ningning kasi niyang sinabi sa mga botante na bahalang mamili ng Ilocano candidate na papalit sa kanya sa Malakanyang.
Nangyari ito nang dumalo siya sa inauguration ng isang farmers market sa Narvacan, Ilocos Sur noong Marso 4, Biyernes.
Kilalang kaibigan ng mga Marcos si PRRD at naikuwento pa niya na karamihan sa miyembro ng kanyang gabinete ay mga Ilocano.
Parte ng pahayag ni Presidente Duterte, “Kaya ibigay ko na lang ito isang buwan aalis na ako sa Malacañang, mamili na kayo kung sinong Ilocano na lider ilagay ninyo doon.”
Bagama’t wala siyang pangalang binanggit halata naman kung sino ang Ilocano sa mga presidentiable na ka-tandem ng anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio — si ex-senator Bongbong Marcos, Jr.
Dagdag pa ng Pangulo, “You should not be surprised actually my close friends are Ilocanos, they shared the dormitory with me na ang tinukoy ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay.”
But prior to this sometime in November ay nagsalita si PRRD ng, “He is really weak because he was a spoiled child, only son. Of course, he can talk. He delivers English, articulate. He studied outside (the country). But if say, there is a crisis? He is a weak leader and he has baggage.”
Obviously ang pinariringaan niya noon ay ang nag-iisang anak na lalaki ng namayapang dating Presidenteng si Ferdinand Marcos, Sr., at dating Unang Ginang at ni Congw. Imelda Romualdez Marcos.
Samantala, sa panayam naman kay PRRD ni Pastor Apollo Quiboloy ng Sonshine Media Network International nitong Sabado, Marso 12 ay natanong siya kung anong klaseng presidente ang dapat iboto ng mga Filipino.
“You must be decisive. Ang ano nga is, hindi naman ako nagsabi it’s the best quality, but one of the good qualities of a president, sana abugado (hopefully a lawyer).
“Isang tingin mo lang maka-decide ka na kaagad and the repercussions, alam mo na kung ano. Whatever kind of how would you say issue or alam mo na.
“The president should be a compassionate one, ‘yung para sa tao talaga,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Kung pagbabasehan ang sinabi niyang dapat abogado ang magandang quality ng susunod na presidente, e, hindi ba’t si Vice President Leni Robredo lang ang abogadang matunog na kumakandidatong presidente sa May 9 elections?
Kaya namin ito nasulat ay dahil hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng taumbayan kung sino talaga ang ieendorso ni PRRD sa pagkapresidente ng bansa.
https://bandera.inquirer.net/281396/bea-nilaglag-ng-ina-at-kapatid-tanga-raw-sa-pag-ibig-lampa-burara-sa-gamit
https://bandera.inquirer.net/296597/mark-anthony-kontra-sa-pagkakaroon-ng-beking-presidente-hindi-ako-papayag
https://bandera.inquirer.net/293705/i-can-work-with-anybody-dilaw-o-pula-dahil-moreno-naman-ang-kulay-ng-filipino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.