Sharon kinastigo ng netizens dahil sa pang-ookray kay Panelo; 'wag daw masyadong 'feeling magaling' | Bandera

Sharon kinastigo ng netizens dahil sa pang-ookray kay Panelo; ‘wag daw masyadong ‘feeling magaling’

Ervin Santiago - March 13, 2022 - 11:38 AM

Salvador Panelo at Sharon Cuneta

Salvador Panelo at Sharon Cuneta

HANGGANG ngayon ay binabanatan pa rin ng ilang netizens si Megastar Sharon Cuneta dahil sa pangnenega at pang-ookray niya kay senatorial candidate Atty. Salvador Panelo.

Kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita ang ibinabato ngayon ng bashers kay Sharon matapos pagsabihan si Panelo dahil sa pagkanta nito ng classic song niyang “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang campaign sortie sa Quezon City noong March 10.

Ang “Sana’y Wala Nang Wakas” ay isa sa mga hit songs ni Mega na sumikat nang todo noong 1986 na ginamit pang title . Ito’y isinulat ng namapayang composer na si Willy Cruz. Nagkaroon pa ng pelikula si Sharon na may kaparehong pamagat.

Ang punto ni Sharon, hindi makatarungang kantahin ng isang kandidato ang pinasikat na kanta ng asawa ng vice presidential candidate mula sa kalabang partido nito. Tumatakbong vice president ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Tweet ni Sharon, “WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic.

“Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya.”

Ito naman ang bwelta ni Panelo kay Mega, “In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they’ve confirmed that I have permission to sing the song.”

May mga kumampi kay Sharon pero marami rin ang bumatikos sa kanya at hanggang ngayon nga ay siya pa rin ang paboritong pulutan ng mga “Marites”. Feeling daw kasi ni Mega ay siya lang ang magaling at palaging tama.

Kahapon, March 12, mukhang nahimasmasan na raw si Sharon nang lumaki na ang isyung nilikha ng kanyang post laban kay Panelo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Sa Instagram post ng veteran singer-actress sinabi nitong, “From now on, GOOD VIBES ONLY!!!” Nilagyan pa niya ito ng laughing emojis, pink heart emojis, waving emojis at smiling faces with three hearts.

May ibinahagi pa siyang quote sa IG habang binabatikos ng netizens. Nakalagay sa kanyang post ang mga kayagang, “Don’t let the ugly in others destroy the beauty in you.”

Pero sa kabila nito, patuloy pa rin siyang bina-bash ng netizens kaya tuluy-tuloy din ang pagtatanggol sa kanya ng mga Sharonians.

https://bandera.inquirer.net/307785/panelo-kay-sharon-cuneta-i-sing-your-song-to-honor-my-son

https://bandera.inquirer.net/307748/sharon-cuneta-naimbyerna-kay-panelo-sa-pagkanta-ng-sanay-wala-nang-wakas-you-dont-mess-with-a-classic

https://bandera.inquirer.net/295547/rico-blanco-chill-lang-sa-pang-ookray-ng-netizen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending