‘Black Panther’ director Ryan Coogler napagkamalang magnanakaw sa bangko
NAPAGKAMALANG bank robber ang direktor ng “Black Panther” na si Ryan Coogler nang subukan niyang mag-withdraw ng malaking halaga sa isang branch ng Bank of America sa Atlanta, Georgia.
Noong January 7, 2022 pa nang nangyari ito pero ngayon lamang lumabas ang balita pati na rin ang mga police report ukol sa nangyari sa Hollywood director ng 2018 Marvel blockbuster movie.
Base sa report ay napagkamalang bank robber si Ryan dahil sa suot nitong mask, cap, at sunglasses nang magpunta siya sa branch.
Nang lumapit ang siya sa female banker ay may handwritten note siyang inabot kasama ang withdrawal slip.
“I would like to withdraw $12,000 cash from my checking account. Please do the money count somewhere else. I’d like to be discreet,” ito ang nakasulat sa naturang note.
Nataranta naman ang buntis female banker nang biglang lumabas ang alert notification na high-risk ang transaction ng kanyang kliyente.
Lumapit ang teller sa kanyang bank manager at ipinaalam na sinusubukan raw ni Coogler na nakawan ang naturang branch ng bangko.
Agad namang dumating ang mga pulis na hinuli at pinosasan ang direktor na kaya nasa Atlanta ay dahil sa shooting ng sequel ng Black Panther na “Black Panther: Wakanda Forever”.
Base sa raw footage mula sa bodycam na inilabas noong Miyerkules, March 9, ay makikita ang buong pangyayari sa pag-aresto kay Coogler sa loob ng bangko.
“Whoa, whoa, what’s going on?” saad ng direktor na tila nagulat at naguguluhan sa mga nangyayari pero nakipag-cooperate pa rin siya nang maayos sa otoridad.
“Hands behind my back, you got it. Is there any reason y’all doing this bro?” tanong ni Coogler na hindi naman kinibo ng pulis na umaresto sa kanya.
Agad siyang isinama palabas ng bangko at isinakay sa loob ng police car. Dito na siya nagpakilala ng sarili at pinayuhan pa nga ang mga pulis na i-google ang kanyang pangalan bilang patunay kung sino siya.
Ani Coogler, “If you just run my name, you’ll understand why you should take me off of these cuffs. You could not do it, but it’s going to be really bad for you.
“I’m really trying to keep it from being a bad day on your job, bro. Black man to black man.”
Maging ang kasama niyang Filipina nurse na kasama niya ay nadamay at na-detain.
Agad namang humingi ng tawad sa aberyang nangyari ang Bank of America kay Coogler sa pamamagitan ng official statement.
Related Chika:
Diego Loyzaga nag-shopping sa US; sinulatan ang $100 bilang remembrance
KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.