Bongbong Marcos inspirasyon ang ‘Ant-Man’ sa pagtakbo bilang presidente
ISANG Marvel movie na pinamagatang “Ant-Man” ang naging inspirasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kumandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa at sundan ang yapak ng kanyang namayapang ama na si Ferdinand Marcos.
Sa isang sit-down interview ni Boy Abunda kay Liza Araneta-Marcos sa kanyang YouTube channel na umere nitong Miyerkoles, March 9, naitanong nito kung naikonsulta ba sa kanya ng asawa ang desisyon nito na tumakbo sa pagkapresidente.
“Six months ago, he wasn’t so sure what to do, he had no party,” saad ni Liza.
Ngunit tila nagbago ang isipan ni Bongbong habang nanonood sila ng pelikula sa kanilang kwarto.
Pagpaptuloy niya, “And then one day, we’re watching ‘Ant-man’ in the room, because we loved Marvel movies. And then he looked at me and he goes, ‘Okay, we’re gonna do this’, he told me. I said ‘Do what?’ ‘Run for presidency.”
View this post on Instagram
Matapos marinig ang sagot ni Bongbong ay tila nakaramdam siya ng kaba dahil ayaw niyang masaktan ang asawa.
Aniya, “Also, I didn’t want him to get hurt because you know in 2016, when he lost [in the vice presidential elections], it was really a painful experience for him.”
Dagdag pa niya, “You see this groundswell and poof, you lost, an that’s everyday campaigning, so it’s really painful. It was a painful experience.”
Nang tanungin naman siya kung kinausap niya si Bongbong na huwag na lamang tumakbo, ang sagot ni Liza, “It’s his decision. I didn’t encourage, but I didn’t discourage.”
Ang “Ant-Man” movie na sinasabi ni Liza ay tungkol sa istorya ni Scott Lang, isang dating convicted thief na naging avenger na sa tuwing nakikipaglaban ay lumiliit at mas tumataas ang agility.
Related Stories:
Isko Moreno sa pagtatapat ng ‘Yorme’ at ‘Eternals’ ng Marvel: Malaking challenge, pero…
Vice inalok na tumakbo sa Eleksyon 2022: Naloka ako! Ipapahamak ko ang Pilipinas!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.