Pamangkin ni Vice rumesbak sa nagsabing umaasa lang sila sa TV host para mabuhay: Nakakabastos po! | Bandera

Pamangkin ni Vice rumesbak sa nagsabing umaasa lang sila sa TV host para mabuhay: Nakakabastos po!

Ervin Santiago |March 07,2022
facebook
share this

Pamangkin ni Vice rumesbak sa nagsabing umaasa lang sila sa TV host para mabuhay: Nakakabastos po!

Ervin Santiago - March 07, 2022 - 12:03 PM

Vice Ganda

NIRESBAKAN ni Camille Viceral ang mga bashers na nagsasabing sa tiyuhin daw niyang si Vice Ganda nanggagaling ang perang ginagastos niya para mabuhay.

Na-offend dito ang pamangkin ng TV host-comedian dahil parang pinalalabas ng mga netizens na palamunin lang sila ng tiyuhin dahil nga sa sobrang yaman na nito.

Sabi ni Camille, nabastusan siya sa mga paratang ng mga netizens dahil wala naman daw itong katotohanan.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, binuweltahan niya ang isang nag-comment at nagtanong kung ano ba talaga ang kanyang source of income. 

May sumagot naman na galing sa tito niyang si Vice ang kanyang pera. 

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Kasunod nito, ipinagdiinan ni Camille na sanay sila sa hirap at ang bawat miyembro ng kanilang pamilya ay may pinagkukunan naman ng kita at panggastos nila sa araw-araw.

Dagdag pa niyang pahayag, hindi nila inaabuso si Vice at kung ano lamang daw ang inaabot sa kanila ay masaya na sila at never na humingi ng mas sosobra rito.

Narito ang banat ni Camille sa mga malilisyosong bashers, “Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam po namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat. 

“Dahil kung ‘yun po nag iisipin namin, hihilahin po namin ‘yung tao pababa. 

“May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay,” dire-diretsong pahayag pa ng pamangkin ni Vice.

Sa huli, nakiusap si Camille na huwag naman silang basta husgahan dahil nagsusumikap at nagsisipag din sila sa buhay para magkaroon ng magandang future.

“Kung ano po ‘yung binibigay sa ‘min, ‘yun lang po ‘yung aangkinin namin. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi na rin po kami naghahangad ng sobra-sobra pa doon. Ayun lang. ‘Wag po tayong nag-a-assume at wag po tayong bastos,” pahayag pa niya.

Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae!

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Dingdong: Gagawin natin lahat para mabuhay ulit ang movie industry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending