Alexa todo pasalamat sa fans nila ni KD: Nagpa-trend sila nang bonggang-bongga, I’m proud of them!
KD Estrada at Alexa Ilacad
SIGURADONG abangers na ang mga tagasuporta ng bagong Kapamilya loveteam na sina Alexa Ilacad at KD Estrada sa kauna-unahan nilang teleserye sa ABS-CBN.
Balitang inihahanda na ngayon ng Kapamilya network ang pagbibidahang digital series ng dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemates.
Ito’y mapapanood sa iWantTFC mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment. Wala pang inilalabas na iba pang detalye tungkol dito pero sa pagkakaalam namin ay ngayong darating na summer na ito ipalalabas.
Samantala, bukod sa pagbibidahan nilang online series sa iWantTFC, wish din ni Alexa na makagawa rin sila ni KD ng pelikula one of these days.
“Well actually sa ngayon po, I’m really happy sa lahat ng nangyayari. Natupad ‘yung fan con, which is pangarap namin. May series. Siguro sana movie? Kung pagbibigyan ng universe, ni Lord?” ang pahayag ni Alexa sa isang interview.
Chika ng Kapamilya young actress, naidagdag niya sa kanyang bucket list ang magkaroon sila ni KD ng sarili nilang movie.
Nag-thank you rin ang singer-actress sa lahat ng nanood sa virtual fan conference nila ni KD na pinamagatang “Closer.”
“Maraming salamat talaga. Number one to all our supporters, sa lahat ng Sweethearts, talagang tinrabaho nila nang bonggang-bongga ‘yung araw na ‘yun.
“Nagpa-trend sila and I’m proud of them kasi na-reach po nila ‘yung goal nila which is more than a million tweets. Ang galing talaga nila grabe!
“We owe the fan con to them. The reason why we have our fan con is because of them, because of their support, their presence, and their love for us,” mensahe ng dalaga.
Dugtong pa niya, “So I’m really thankful to everyone who watched, who bought their tickets, who waited to buy their tickets. Lahat ng mga nanonood, talagang nagpapasalamat po ako.”
View this post on Instagram
Para naman sa mga nakaalalang bumati sa kanyang 22nd birthday, “And of course sa lahat ng bumati sa akin nung birthday ko, each and every one of them.
“Hindi ko man nasagot lahat pero sobra akong thankful po na lahat sila nag-send ng well-wishes and birthday wishes nila for me,” pahayag pa ni Alexa.
Ibinahagi rin niya ang pa-surprise sa kanya ni KD sa isang sosyal na hotel after ng kanilang fan con kung saan nakasama rin nila ng binaga ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
“It was great! We had a fan con and then a fan meet after. Pero in between all of that, my loved ones surprised me for my birthday.
“Nag-book sila ng sobrang laking room sa Okada. Lahat ng friends ko nandoon, sina Shanaia (Gomez). Of course si KD, ‘yung family niya and my family also. ‘Yun, ang saya sobra,” masayang-masayang sabi pa ni Alexa. Ang eksaktong kaarawan niya ay noong Feb. 26.
https://bandera.inquirer.net/295924/joshua-aminadong-toxic-ang-socmed-napangiti-nang-tanungin-tungkol-kay-ivana
https://bandera.inquirer.net/301481/alexa-ilacad-kd-estrada-goodbye-na-rin-sa-pbb-10-madam-inutz-brenda-mage-pasok-sa-top-5
https://bandera.inquirer.net/303670/alexa-ilacad-tinutukso-sa-3-lalaki-ang-ganda-ko-di-ba-ang-haba-ng-hair-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.