Maggie Wilson may hugot na naman sa co-parenting status nila ng ex-husband para sa anak | Bandera

Maggie Wilson may hugot na naman sa co-parenting status nila ng ex-husband para sa anak

Reggee Bonoan |March 03,2022
facebook
share this

Maggie Wilson may hugot na naman sa co-parenting status nila ng ex-husband para sa anak

Reggee Bonoan - March 03, 2022 - 09:15 AM

Victor Consunji at Maggie Wilson

“OK…here we go again!” Ito ang bungad ng dating beauty queen turned entrepreneur na si Maggie Wilson sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules, March 2.

Ibig sabihin ni Maggie ay may problema na naman sila ng estranged husband niyang si Victor Consunji na isa sa mga may-ari ng DMCI Construction.

Kasusulat lang namin dito sa BANDERA nitong Martes, March 1, na nagdiwang ng kaarawan ang nag-iisa nilang anak na si Connor nitong Feb. 27 at humihingi si Maggie ng mga larawan na kuha sa nasabing party. 

May litratong lumabas na magkasama ang nagkahiwalay na mag-asawa at base rito ay mukhang civil naman ang ex-couple para sa kanilang anak.

Mensahe ni Maggie sa photographer na nag-cover sa mga kaganapan sa party ng anak, “Hi there! When ready, can you please send me the photos from Connor’s party? Thank you.”

Sinagot naman siya nito ng, “Hi Ms Maggie! It was nice to see you again po, yes will send the full set po once ready. Thank you so much po.”

View this post on Instagram

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)


Pero nagulat ang mommy ni Connor dahil kinabukasan ay nakatanggap uli siya ng mensahe mula sa photographer, “Hi Ms. Maggie, our sincere apologies po but we were instructed by ____ (tinakpan ang pangalan) not to upload the rest of the set from Connor’s party.  

“We were also instructed not to send any photos po. Kindly ask the copy na lang daw po kay ____ (may takip ang pangalan).”

Kaya ang sumunod na post ni Maggie, “Another day. You might think everything is nice and peachy on the outside but this is what I have to deal with and have been dealing with on the inside for far too long now. Control.”

Sa kasalukuyan ay nasa poder ng daddy niya si Connor dahil nasa ibang bansa ngayon si Maggie para asikasuhin ang ilang negosyo. Gusto sana niyang isama ang anak pero may online classes daw ang bagets.

* * *
                                               
Huling-huling sa akto si David (Zanjoe Marudo)! Nakita mismo ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang paghahalikan ng asawa niyang si David at ang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez) sa “The Broken Marriage Vow,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5. 

Nakumpirma na ni Jill na nagkabalikan sina David at Lexy matapos niyang sumugod sa opisina ni David. Bago nito, muling nalamon si Jill ng kapraningan dahil natuklasan niya mula kay Nathalia (Rachel Alejandro), ang ina ni Lexy, na madalas magkita sina David at Lexy para sa isang proyekto ng kanilang mga kumpanya. 

Habang dismayado si Jill sa mga pangyayari, magdedesisyon siyang bisitahin ang mentor niyang si Doc Jose (Ronnie Lazaro) at iwanan muna ang kanyang pamilya upang makapag-isip. 

Naguguluhan pa si Jill kung tuluyan na ba niyang hihiwalayan si David dahil nag-aalala siya kay Gio (Zaijian Jaranilla), ang nag-iisa nilang anak, kapag nalaman nito ang pambababae ng kanyang ama.

Samantala, wala pa ring kamalay-malay si David na alam na ni Jill ang relasyon niya kay Lexy. Nagkasundo sina David at Lexy na itatago pa rin nila ang kanilang relasyon at nangako naman si David na makikipaghiwalay din siya kay Jill sa tamang panahon.

Tinutukan at pinanggigilan ng mga manonood ang episode nitong Martes (Marso 1) pagkatapos mag-trending sa Twitter Philippines ang hashtag na #TBMVFooled at “no fooling jill.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inilabas na rin ng “The Broken Marriage Vow” ang mid-season trailer ng serye, kung saan ipinasilip ang paghihiganti ni Jill pagkatapos niyang malaman na niloloko ulit siya ni David. 

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

Maggie Wilson nabili na ang franchise ng Miss Universe UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending