Glaiza pakakasalan uli si David Rainey sa Pinas sa 2023: Wala kasi ang family ko sa wedding namin sa Ireland | Bandera

Glaiza pakakasalan uli si David Rainey sa Pinas sa 2023: Wala kasi ang family ko sa wedding namin sa Ireland

Ervin Santiago - March 03, 2022 - 09:18 AM

Glaiza de Castro at David Rainey

HINDI naging madali para sa Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang desisyong magpakasal na kay David Rainey nang wala ang kanyang mga magulang.

Hindi nakadalo ang parents ng aktres sa wedding nila ni David sa Ireland dahil pa rin sa travel restrictions na ipinatutupad noon dulot ng COVID-19 pandemic.

Sabi ni Glaiza, ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila ng asawa na magpakasal uli dito sa Pilipinas para naman makasama nila ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan na hindi nakapunta sa una nilang pag-iisang dibdib.

Nagkuwento si Glaiza tungkol sa mga kaganapan sa kanyang married life nang dumalo sa Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ginanap last Sunday, Feb. 27 sa Metropolitan Theater. Kasama niya sa nasabing event ang kanyang asawa.

Sa panayam sa kanya roon, ibinahagi ni Glaiza ang nararamdamang kaligayahan na finally ay magkasama na sila ni David bilang married couple.

“Masaya. Finally, nandiyan na siya. Alam mo yung totoo na, totoo na, na magkasama na kami forever. Medyo surreal pa rin pag ipinapakilala ko siya na asawa ko siya, ganyan, pero ang sarap ng pakiramdam na heto na talaga.

“He’s here, and we’re working to be married, just celebrating,” pahayag ng aktres.
Sa tanong kung bakit hindi nila agad ibinalita sa publiko ang tungkol sa kanilang intimate Celtic wedding noong October, 2021. Ibinandera lamang nila ang tungkol dito noong Feb. 13, 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


“Unang-una, hindi kasi nakapunta ang family ko. It was a decision during the pandemic kasi hindi nga namin alam kung kailan kami magkikita uli.

“So, parang we wanna make sure na rin na magbago man ang restrictions, madali na para sa akin and for him na magkita uli.

“Ang hirap, e, ilang years din kami na long-distance relationship. Siyempre ang hirap with the restrictions, hindi namin alam kung kailan kami magkikita ulit.

“But when we got married, ayun, in-announce namin after few months because we wanted to celebrate it with the family.

“Siyempre, gusto kong magkaroon ng time sa kanila. And nu’ng ready na kami pareho, ayun, celebrate na with the world,” paliwanag ng Kapuso star.

Samantala, nabanggit nga ni Glaiza na mahirap din para sa kanya na wala roon ang kanyang pamily kaya naman inaayos na nila ni David ang kasal nila sa Pilipinas na magaganap sa 2023.

“It was a hard decision kasi siyempre mahirap dalhin ang buong pamilya ko du’n. Ilan kami, parang 20 plus kami buong pamilya.

“Para sa amin, if we can have two weddings, why not, di ba? A Filipino wedding and an Irish wedding. You know we can have the best of both worlds.

“Pinaghandaan talaga namin, nagpaalam ako, nagpaalam naman siya. We actually had a meeting with both families. We discussed it with them. That’s actually the reason why I went there last September,” paliwanag pa ni Glaiza na bibida na naman sa upcoming Kapuso series na “False Positive” kasama si Xian Lim.

https://bandera.inquirer.net/306739/magulang-ni-glaiza-kontra-noon-kay-david-rainey-parang-nag-worry-sila-sa-akin-kasi

https://bandera.inquirer.net/284605/glaiza-iiwan-ang-pag-aartista-para-sa-pamilya-pangarap-ko-talagang-maging-ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289244/glaiza-nanikip-ang-dibdib-habang-kinukunan-ang-drama-scene-hindi-talaga-ako-makahinga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending