Magulang ni Glaiza hindi boto noon kay David Rainey: Parang nag-worry sila sa akin kasi... | Bandera

Magulang ni Glaiza hindi boto noon kay David Rainey: Parang nag-worry sila sa akin kasi…

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Magulang ni Glaiza hindi boto noon kay David Rainey: Parang nag-worry sila sa akin kasi…

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 08:49 AM

David Rainey at Glaiza de Castro

KNOWS n’yo ba na hindi pala boto  nu’ng una kay David Rainey ang mga magulang ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro?

Nasa Baler, Aurora ngayon ang premyadong aktres at ang kanyang Irish husband matapos ang kanilang wedding noong October, 2021 sa Northern Ireland.

Nagbahagi si Glaiza ng ilang mga kaganapan sa mga unang araw ng kanilang married life sa isang episode ng “Unang Hirit” kamakailan.

Aniya, so far daw ay enjoy na enjoy sila ni David sa buhay nila sa Baler kasama ang kanyang pamilya at sa ngayon ay talagang mina-maximize nila ang bawat oras na magkasama sila sa Pilipinas.

Pero inamin nga ni Glaiza na may takot at reservation din ang parents niya nang inamin niyang nakikipag-date siya sa foreigner at LDR (long distance relationship pa.

“Medyo hindi sila ganu’n ka-excited noong una kasi may mga past relationships din kasi ‘yung mga tito’t tita ko with foreigners tapos medyo hindi naging maganda (ang ending). So parang nag-worry sila sa akin,” pag-amin ni Glaiza.

Pero naiintindihan naman daw niya ang mga magulang kung bakit ganu’n ang naging reaksyon ng mg ito nang makilala si David.

“Siguro naman sa lahat ng mga magulang pagdating sa relationships, hahayaan ka lang niyan, e. 

“Pero deep inside, sobrang nagwo-worry ‘yan so hindi ko na-feel na excited sila for me,” pahayag ng Kapuso star.

In fairness, super touched daw si Glaiza sa ginawa ng kanyang nanay at tatay kay David nu’ng nakilala na nila ito nang husto at napatunayang malinis at totoo ang intensiyon sa kanya.

Nangyari raw ito noong halos tatlong buwang nanatili si David sa bahay nina Glaiza sa Baler matapos abutan ng COVID-19 lockdown.

“Alam mo ‘yung nanay ko ‘yung umiiyak kasi aalis na si David tapos ‘yung tatay ko may mga pabaon na never kong nakita na ginawa n’ya sa past relationships ko,” sey ng aktres.

Pagpapatuloy pang kuwento ng aktres tungkol sa kanyang asawa noong nagkasama sila nang matagal sa Baler, “Honestly, may mga times na ang dami niyang questions sa akin, ‘bakit ganito, bakit ganyan?’

“Pero ‘yung time na nandito siya, na-enjoy niya. Na-enjoy niya ‘yung culture kasi ‘di naman din very different from us especially when it comes to hospitality.

“‘Yung tao kasi doon sa Baler minsan binibilhan niya ng halo-halo, kinakaibigan niya ‘yung mga locals do’n. Nagugulat ‘yung mga tao, nagta-Tagalog siya,” dire-diretsong kuwento ni Glaiza.

Aniya pa, “Hindi naging mahirap para sa kanya mag-adapt and I think na-e-excite siya na lalo pa niyang i-explore.

“Parang naa-appreciate ko na mas lalo siyang nag-aaral mag-Tagalog, nag-enrol pa talaga siya ng Filipino lessons.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ayun natutuwa siya na ang dami niyang puwedeng i-explore at gano’n din ako,” chika pa ni Glaiza sa nasabing panayam na bibida nga sa upcoming Kapuso series na “False Positive” with Xian Lim.

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Glaiza iiwan ang pag-aartista para sa pamilya: Pangarap ko talagang maging ina

Glaiza, David nagsosyo sa café business sa Baler; Megan may gustong subukan sa showbiz career

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending