Direktor ng ‘Lola Igna’, ‘Fuccbois’ na si Eduardo Roy, Jr. pumanaw na sa edad 41
PUMANAW na ang award-winning young director na si Eduardo Roy, Jr., dahil sa “massive pulmonary embolism due to pneumonia.” Siya ay 41 years old.
Si Eduardo ay nakilala bilang direktor dahil sa mga premyado niyang obra tulad ng “Pamilya Ordinaryo”, “Lola Igna” at “Fuccbois.”
Sumakabilang-buhay si Eduardo o Edong sa kanyang pamilya at mga kaibigan nitong Lunes, Feb. 21.
Narito ang opisyal na pahayag ng pamilya ni Eduardo kaugnay ng kanyang pagpanaw, “It is with great sorrow that we announce the passing of Eduardo ‘Edong’ Roy Jr. on February 21, 2022.
“He died of massive pulmonary embolism due to pneumonia. He had been diagnosed late last year with Burkitt’s Lymphoma Stage IV,” ani ng pahayag.
“Edong was a beloved son, brother, and friend who’s also known as the writer and director of award winning films such as Bahay Bata, Quick Change, Pamilya Ordinaryo, Lola Igna, Fuccbois,” ayon pa sa pamilya ng direktor.
View this post on Instagram
Si Direk Edong din ang nagdirek ng movie nina JM de Guzman at Arci Muñoz na “Last Fool Show.” Ang last project niya ay ang “Oh, Mando!” nina Kokoy de Santos, Alex Diaz at Barbie Imperial.
Magsisimula ang burol para sa namayapang direktor bukas, Peb. 24 at tatagal hanggang Feb. 26 sa Arlington Memorial Chapels Hall A sa G. Araneta Avenue, Quezon City.
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa social media sa pagpanaw ni Direk Edong kabilang na ang mga post ng kanyang mga kaibigan at nakatrabaho sa pelikula.
Related Chika:
Bettinna Carlos nakunan sa 1st baby sana nila ni Mikki Eduardo: We were pregnant and then no more…
#Kampay: Maxene saludo sa palabang ‘self-healers’ na hindi nagpatumba sa mga kalaban
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.