AMY PEREZ ipinatanggal ang staff ng face to face, pero umalma ang TV5
Sa reformat ng Face To Face na magiging Face The People na ay hindi na kasama si Tyang Amy Perez dahil may problema siya sa staff ng programa.
Supposedly, idadagdag si Ateng Gelli de Belen sa show kasama ni Amy, pero biglang umatras ang huli ng malaman niyang hindi papalitan ang ilang staff ng programa.
“Hindi kasundo ni Amy ‘yung staff ng Face To Face dahil nga may isyu sila, iyon pa rin ang naging problema. Akala ni Amy, papalitan lahat ng staff, e, hindi pala lahat, kaya hayun, umayaw siya at hindi naman siya pinigilang mag-resign ng pinaka-boss ngayon ng TV5,” kuwento sa amin.
Usung-uso kasi ngayon ang rigodon ng mga staff sa mga programa ng TV5 at sabi nga sa amin, “Inayos po para mas lalong mapaganda ang mga show.”
“Actually, nagsabi siya sa management na kung hindi aalisin ‘yung mga hindi niya gustong staff, siya ang kusang aalis sa show, e, ganu’n nga, hindi siya hinabol ng management, e, kasi naman, ilan ang mawawalan ng trabaho kumpara sa kanya na nag-iisa lang siya.
“Katwiran ng management, maraming puwedeng pumalit sa kanya sa Face to Face which is true naman, hayan si Tintin Bersola na mahusay ding mag-host, kaya sila na ni Gelli ang magkasama.
“Sa panahon ngayon, hindi ka puwedeng magmalaki sa network kasi marami silang puwedeng ipalit kumpara sa maraming mawawalan ng work,” kuwento sa amin.
Ahhhh, so may pilian isyu pala sa pagitan nina Tyang Amy at TV5? Anyway, replay ang ipinapalabas na Face to Face ngayon sa TV5 dahil hindi pa raw nakakapag-taping ng bagong episodes para sa Face The People.
Si Tyang Amy naman ay napapanood pa rin sa morning show ng TV5 na Good Morning Club at balik-radio siya sa Radyo Singko.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.