Target ni Tulfo by Mon Tulfo
SINABI ni Noynoy Aquino, presidential candidate ng Liberal Party, na kapag siya’y natalo mananawagan siya ng “people power”.
Para namang siguradong-sigurado si Noynoy na panalo na siya.
Hindi porke malaki ang kanyang lamang kay Manny Villar, na kanyang close rival, sa mga survey ay panalo na siya sa May 10.
Dapat tandaan ni Noynoy na walang katiyakan ang surveys at mga ito’y kalkulasyon.
Kahambugan ang ginawa niya dahil parang sinasabi na niya na siya na ang susunod na Pangulo ng bansa.
Kung ganoon, Noynoy, dapat ay huwag na nating ipagpatuloy ang eleksyon sa May 10 at ideklara ka na lang na Pangulo batay sa resulta ng mga surveys.
* * *
Kahit na si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ay tinawag na kahibangan ang ideya ng pagtawag ni Noynoy ng people power.
Sinabi ni Cardinal Rosales na walang dahilan upang magpatawag ng people power kahit na magkaroon ng failure of elections dahil nariyan ang Konstitusyon at mga batas.
Sige, pagalitan mo pa si Noynoy, Cardinal.
* * *
Dahil sa ginawang yan ni Noynoy na nagtawag ng people power kapag siya’y natalo, tiyak na maraming nawalan ng gana sa kanya.
Maaaring yung mga balak na bumoto sa kanya ay nagbago ng kanilang isip at yun namang undecided ay boboto na lang sa kanyang mga karibal.
Sinira ni Noynoy ang magandang pagtingin sa kanya ng mga botante at malaki ang nawala sa kanyang mga boto.
* * *
Dapat magsilbing aral ang pagkakamali ni Noynoy Aquino sa ibang kandidato: Isipin muna ninyo ang inyong sasabihin sa publiko.
Huwag kayong padalos-dalos sa inyong mga salita.
Kahit na iboboto kayo ng taumbayan, mawawalan sila ng gana kapag nagyabang kayo gaya ng ginawa ni Noynoy.
Oo nga’t mataas ang kanyang antas sa survey at malaki ang kanyang lamang kay Villar, na pumapangalawa, sa mga surveys.
Pero dahil sa kanyang kahambugan tiyak na maraming tumalikod sa kanya.
* * *
Tama si Dick Gordon, na isa sa mga kulelat sa mga surveys: Ano ba ang ginawa ni Noynoy Aquino sa Kamara de Representantes at Senado para siya iboto pagka-Pangulo?
Wala!
Mas marami pang mga panukalang batas (bills) ang na-introduce ni Sen. Lito Lapid kahit na siya’y di marunong mag-Ingles.
Kung walang ginawa si Noynoy sa Kamara at Senado, paano natin malalaman kung siya’y magtatrabaho kapag naluklok na siya sa Malakanyang?
* * *
Tingnan mo na lang itong si Erap.
Noong siya’y senador, isa lang ang bill (panukalang batas) na naipasa niya at naging batas (law).
Ito yung batas na nagbibigay protesksyon sa mga kalabaw.
Kaya mahilig si Erap ng English-carabao.
Ano ang English-carabao?
Ito ang halimbawa: Isang magulang ang nagyaya ng piging sa kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay dahil nagtapos sa kolehiyo ang kanyang anak.
Ito ang kanyang sinabi: “Ay embayt yu to it may haus bikos may san is gradwesyon.”
* * *
Isa pang halimbawa ng English-carabao:
Noong ako’y kadete ng ROTC at kumukuha ng Cadet Officer Candidate Course, meron kaming instructor na sarhento na mahilig mag-English kahit na mali-mali.
Dahil baluktot ang kanyang Ingles, pinipigil ko na matawa habang siya ay nagle-lecture at ako’y kanyang nakita.
Nilapitan ako ni Sarge at pabulyaw na sinabi sa akin: “Why are you lap?
Bandera, Philippine News, 050410
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.