Janine, Paulo spotted na magkasama sa Palawan, magdyowa na nga ba? Bandera

Janine, Paulo spotted na magkasama sa Palawan, magdyowa na nga ba?

Therese Arceo |February 22,2022
share this

Janine, Paulo spotted na magkasama sa Palawan, magdyowa na nga ba?

Therese Arceo - February 22, 2022 - 04:32 PM

Janine, Paulo spotted na magkasama sa Palawan, magdyowa na nga ba?

KUMAKALAT ngayon sa social media ang litrato nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magkasama sa Palawan.

Isang fan ang nag-post ng larawan ng dalawa sa Instagram kung saan nakasakay sila sa bangka na kuha mula sa kanilang Palawan getaway noong January.

Marami sa mga netizens ang kinikilig at talaga namang natutuwa dahil mukhang mauuwi na raw sa totohanan ang relasyon nina Janine at Paulo na nagsimula lamang sa pagiging magka-love team sa mga projects na pinagsasamahan nila.

Bukod sa dalawa ay makikita rin sa viral photo ang magkasintahang sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Present rin ang anak ng aktres na si Nio Tria.

Co-stars nina Janine at Paulo sina Edu at Cherry Pie sa kanilang kakatapos lang na Kapamilya series “Marry Me Marry You”.

Bukod sa larawan habang nagbi-beach tour ay may picture rin ang aktres na naka-post sa Facebook page ng isang transport service sa Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Techie Santos (@techiesantos7)

Pero ang tanong ng bayan, magdyowa na nga ba ang dalawa o lumabas lang “as a friend”?

“Wow! Paulo at Janine! [Mukhang] sila na nga, kahawak si Paulo sa legs ni Janine,” komento ng isang netizen.

Saad naman ni @aliciasferrer, “Wow!!! Saya naman magkasama ang mga love birds.”

Hindi naman nakatakas sa matalas na mata ng mga netizens ang damit na suot suot ni Janine.

“Hmmm familiar ‘yung polo, Ate Nini,” comment ng isang netizen. “MMMY (Marry Me Marry You) season 2 mediacon,” dagdag pa nito.

“Polo yata ni Paulo yan suot ni Janine. Hay.. Inlove na talaga. Godbless Pau and Janine,” sey pa ng isang netizen.

Nang balikan naman namin ang video na kuha noong mediacon ay kaparehas nga sa suot ni Janine sa Palawan ang polo na suot ni Paulo.

May mga bulung-bulungan na nagkakamabutihan na nga ang dalawa pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na kumpirmasyon kung ano nga ba ang status nilang dalawa.

Matatandaang inamin ni Paulo sa “Marry Me Marry You” season 2 virtual mediacon na minsan na rin silang nag-date noon ni Janine.

Kung true man ang chika na sila na talaga, wala naman sigurong problema dahil single si Paulo at ilang buwan na ring hiwalay si Janine sa nakaraang karelasyon niyang si Rayver Cruz.

 

Related Chika:
Jake kay Ellie: I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama
Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending