Yeng hindi nakapagsulat ng maraming kanta sa panahon ng pandemya...bakit kaya? | Bandera

Yeng hindi nakapagsulat ng maraming kanta sa panahon ng pandemya…bakit kaya?

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 08:05 AM

Gloc 9 at Yeng Constantino

KUNG ang ilang singer-songwriter ay nakapagsulat ng napakaraming kanta sa panahon ng pandemya, iba naman ang nangyari kay Yeng Constantino.

Kuwento ng Kapamilya artist, ginamit niya ang halos dalawang taong pananatili sa bahay dahil sa ipinatupad na community quarantine sa bansa sa pamamahinga at pagre-relax nang bonggang-bongga.

Ayon kay Yeng, sariling desisyon niya raw ito para hindi nga maka-feel ng matinding pressure o anxiety sa panahon ng lockdown.

“Hindi ko pinipilit ‘yung sarili ko magsulat ng kanta. Siguro meron lang akong nasulat na two and a half songs. May isang kanta na hindi pa natapos. I really took my time to just rest,” pahayag ng singer-songwriter sa episode ng “We Rise Together” kahapon.

Diin pa ng OPM hitmaker, “Huwag kong ipilit or i-pressure ‘yung sarili ko kasi ‘yun ‘yung something na hindi kailangan ng mga tao ngayon, including me, na i-pressure mo ‘yung sarili mo. 

“Kasi grabe na ‘yung pag-aalala na nararanasan natin sa napakabagong bagay na ito. Iisipin ba natin na sa lifetime natin mararanasan natin ito? Sobrang unique siya na event sa buong mundo,” katwiran pa niya.

Sey pa ni Yeng, ang mahalaga raw sa kanya noong kasagsagan ng pandemya ay ang mapanatiling safe at healthy ang sarili pati na ang pamilya. Priority din daw niya that time ang kanyang mental health.

Sa ngayon, handang-handa na raw siya uling sumabak sa trabaho kabilang na ang muling pagsusulat ng kanta.

“Ngayon na nare-relax na, pasulat-sulat na ulit ng kanta. I think it’s a good place din para pagsimulan ng mga bagong kanta. Ngayon pa lang ako ulit nagsisimula magsulat,” sey pa niya.

Sa ngayon, humahataw na ang bagong collab nila ng isa pang OPM icon at premyadong rapper-composer na si Gloc 9. Ito ang “Paliwanag” na ni-release na last Friday under Universal Records.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa “Paliwanag” sinabi ni Yeng na sana’y maraming maka-relate at ma-inspire sa kanta nila ni Gloc 9.

View this post on Instagram

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


“Minsan kapag nararamdaman mong sobrang dilim, ang galing ng wiring ni God sa atin, du’n ako bumibilib kasi may mga moments sa life ko na feeling ko ‘this is it’, parang edge ng road. 

“Pero may force inside of you na biglang magkakaroon ng positive thought na you don’t know where it’s coming from. Ganu’n nangyayari sa akin every time. 

“Siguro example is isa sa mga pinakilalang awitin na nagawa ko ‘Hawak Kamay’, nasulat ko ‘yun noong sobrang sad ako. Ang weird, kasi nu’ng sinulat ko siya, pinapakinggan ko parang…bakit kinakausap ako ng kanta?

“Sobrang positive, even ‘yung creation mo parang dumadaan lang sa ‘yo, parang it’s as if it’s coming from a different plane tapos bumubuhos sa ‘yo, kaya kapag narinig mo parang tinuturuan ka din pabalik. 

“Maraming moments ako na ganyan na ‘Huy!’ sumusulpot pa rin ang pag-asa kahit ikaw talaga logically ang feeling parang wala na talaga. 

“Siguro, wiring sa atin ni God, there’s something inside of us na parang may antenna sa boses niya naririnig natin kahit minsan ayaw nating marinig — Poom! May tao biglang makakausap ka na parang ‘I just want to tell you this…’ out of nowhere sa experience ko parang ganu’n,” paliwanag ni Yeng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299023/lagi-kong-tinatanong-noong-bata-ako-mahal-ba-talaga-ako-ni-mama
https://bandera.inquirer.net/304255/yeng-constantino-ryan-bang-muntik-nang-maging-mag-dyowa-bigla-na-lang-siyang-nawala
https://bandera.inquirer.net/305165/yeng-constantino-excited-sa-ipinatatayong-bagong-bahay-sa-quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending