Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?
Carmina Villarroel
NAPA-“YES” agad ang Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel nang i-offer sa kanya ang upcoming Kapuso series na “Widow’s Web.”
Bukod daw sa mga bagong artistang makakatrabaho niya sa nasabing proyekto ay super nagandahan din siya sa kuwento at konsepto nito.
At isa pang ikinatuwa ni Carmina ay nang malaman niya na si Jerry Lopez Sineneng ang magdidirek ng bago niyang teleserye sa GMA na magsisilbi ring reunion project nila makalipas ang ilang taon.
Huling nagkasama ang dalawa sa Kapamilya afternoon series na “May Isang Pangarap” siyam na taon na na ang nakararaan. Ang “Widow’s Web” naman ang first project ni Direk Jerry mula nang ihayag ng GMA na magiging Kapuso na ang direktor.
“Nagulat ako and super thankful and blessed kasi ang first show ni Direk Jerry dito sa GMA, siyempre ako pa iyong nakasama.
“So, sobrang privileged naman ako doon kasi, katulad ng sinabi ni Direk Jerry, nakatrabaho ko na siya in the past and that was a long time ago. So I’m so happy and thrilled and still excited to work with him again,” ang chika ni Carmina sa virtual mediacon ng “Widows’ Web” na tinawag na first “suspenserye” ng GMA.
“Kaya nga bago mag-taping, nag-message pa kami. Di ba, Direk, nag-message tayo sa Facebook, na wine-welcome ko siya sa GMA, and we’re both excited.
“Actually, ngayong nagte-taping pa rin kami, noong nakita namin iyong some of the scenes that we did, ay grabe, mas lalo akong na-excite! Direk, oh my gosh, sobrang ang ganda. Ang galing!” aniya pa.
Samantala, super excited na rin si Carmina na mapanood ng Kapuso viewers ang kanilang serye na tungkol sa misteyosong pagkamatay ng karakter ni Ryan Eigenmann na di Alexander Sagrado III kung saan ang mga suspek ay ang mga babae sa buhay niya.
View this post on Instagram
Gagampanan naman ni Carmina ang karakter ni Barbara Sagrado-Dee, ang nakatatandang kapatid ni Alexander na isa rin sa magiging suspek.
“Actually, with my role here as Barbara, hindi naman siya iyong major kontrabida. It’s just that iba lang siya, iba lang ang kanyang pag-uugali.
“But hindi naman talaga siya iyong talagang kontrabida, medyo may iba lang siyang ugali,” aniya pa.
Kuwento pa ni Mina, pagkabasa niya ng script ay nagustuhan agad niya ang project at tinanggap ang offer kahit hindi pa niya alam kung sinu-sino ang makakatrabaho niya.
“How can I say no to this project? First of all, una siyang suspenserye ng GMA. How can I say no to this project?
“When this was offered to me, wala pa akong alam kung sino iyong cast, pinabasa lang sa akin iyong synopsis. I said yes to it right away without knowing lahat. The story itself captured my attention kasi gusto ko iyong ganu’n.
“Everytime I do something new or everytime I do a new project, gusto ko iyong na-e-excite pa rin ako.
“With this project, sobrang na-excite ako kasi exciting siya, ‘tapos ang dami ko ring mga first time nakatrabaho sa show na ito. So how can I say no?” chika pa ni Carmina.
Magsisimula na sa Feb. 28 ang “Widow’s Web” sa Telebabad ng GMA. Ka-join din dito sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vaness del Moral, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/301394/zoren-ibinuking-si-carmina-nag-aaway-kami-sa-taping-para-akong-anak-niya-na-kailangang-intindihin
https://bandera.inquirer.net/301716/hugot-ni-carmina-kahit-magaling-ka-na-kahit-mabuti-kang-tao-you-really-cant-please-everybody
https://bandera.inquirer.net/291324/carmina-biglang-naiyak-sa-tanong-ni-zoren-mavy-super-proud-sa-kanyang-mommy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.