Carmina, Janice, Candy nagpaka-fan girl kay Kim Soo-hyun

Carmina, Janice, Candy nagpaka-fan girl sa fan meet ni Kim Soo-hyun

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 07:00 AM

Carmina, Janice, Candy nagpaka-fan girls sa fan meet ni Kim Soo-hyun

Kim Soo-hyun, Carmina Villarroel, Janice de Belen at Candy Pangilinan

UMARIBA na naman ang pagka-fan girl ng magkakaibigang Candy Pangilinan, Carmina Villarroel at Janice de Belen para sa isa nilang favorite oppa.

Ang tinutukoy namin ay ang South Korean superstar na si Kim Soo-hyun na muling bumisita sa Pilipinas para sa Manila leg ng kanyang Asia tour na “Eyes On You.”

Nangyari ito last weekend sa Araneta Coliseum kung saan libu-libong fans ang nanood at nag-enjoy sa mga pa-surprise sa kanila ni Soo-hyun na bumida sa mga K-Drama na “Love From The Star”, “It’s Okay Not to Be Okay” at “Queen of Tears.”

Baka Bet Mo: Hugot na hugot: Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng ‘Roadtrip’

Ibinandera ni Candy sa kanyang Instagram account ang ilang video na kuha sa venue ng concert. Dito pinasalamatan niya ang kanyang inaanak na si Mavy Legaspi, na nanlibre sa kanila nina Janice at Carmina ng tickets sa show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)


Makikita sa video ang tuwa at excitement sa mukha ng tatlong magkakaibigan habang nagsasalita naman si Candy, “Mavy, thank you! We’re so happy. Kim Soo-Hyun, I’m so excited!”

Mababasa naman sa caption ng komedyana ang mensahe niya para sa anak ni Carmina na si Mavy, “Thank you inaanak for treating us with tickets for Kim Soo-Hyun concert. We are so happy.”

May netizen naman na nagtanong sa kanila kung bakit wala ang isa pa nilang friend na si Gelli de Belen na agad sinagot ni Candy ng, “May trabaho.”

Sa isa pang video na ipinost ni Candy sa kanyang IG mapapanood naman ang pagpasok nila sa venue at ang ilan pang kaganapan sa fan meet ni Soo-hyun. Makikita rin na punumpuno ng tao ang Big Dome patunay na napakarami talagang fans ng Korean actor sa bansa.

Baka Bet Mo: Candy umaming hindi na alam ang gagawin kung minsan kapag sinusumpong ang anak na may ADHD: You can cry, but…

Ito naman ang caption ni Candy sa kanyang second video, “A road trip to see KIM SOO HYUN. I watched almost all his series from Dream High to Queen of Tears.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)


“I admire that he learned Tagalog words and sang English songs. He sings better with his comfortable language and genre.

“I applaud his humility and honesty that he mentioned he was out of tune due to the screaming he couldn’t hear his voice. Still he knows he wasn’t in tune.

“Honesty is the best way to your audience heart. You got me there and way before that. Hihihi. He is a good actor. No question to that. He is also good with his fans. I am still waiting for your proposal. Hahahaha!” ang emosyonal na pahayag ni Candy.

Samantala, nag-post din si Janice sa Instagram ng litrato nilang magkakaibigan habang nag-eenjoy sa fan meet ni Soo-hyun na ni-repost naman ni Carmina. Aniya sa caption, “Fangirls!”

Napa-comment din ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa post ni Candy. Aniya patungkol sa Korean superstar, “My love!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aminado sina Carmina, Janice, Candy at Gelli na big fan talaga sila ng mga Korean drama at isa nga si Kim Soo-hyun sa mga Korean actors na kanilang hinahangaan at sinusubaybayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending