Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng 'Roadtrip'

Hugot na hugot: Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng ‘Roadtrip’

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Hugot na hugot: Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng ‘Roadtrip’

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 11:27 AM

Hugot na hugot: Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng 'Roadtrip'

NAGKAIYAKAN ang magkakaibigang Carmina Villarroel, Gelli de Belen at Candy Pangilinan sa naganap na presscon para sa kauna-unahan nilang pelikula bilang barkada.

First time rin naming nakita at nakachikahan sa mediacon ang tatlong magkakaibigan last Friday, January 12, kasama pa ang isang miyembro ng kanilang tropa na si Janice de Belen.

Bida ang apat na aktres sa latest offering ng Viva Films sa pagpasok ng 2024, ang “Road Trip” mula sa direksyon ng supee friend din nilang si Andoy Ranay.

Napag-usapan sa naganap na mediacon ang relasyon ng magbi-BFF kung saan napaiyak nga si Carmina nang ikuwento ang mga pagkakataon na hindi siya binitiwan ng mga kaibigan nang pumanaw mamatay ang kanyang nanay noong May, 1996 at ang tatay niya noong June 2022.

“Nu’ng namatay po yung mommy ko at yung very recent, namatay ang daddy ko, hindi nila ako iniwan.

“Kahit si Gelli nasa Canada, kasi iba talaga yung relationship ko with Gelli, so nu’ng time na…” ani Carmina na hindi na napigilan ang pagluha.

Baka Bet Mo: Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

Sinalo naman siya ni Gelli, “Nu’ng nasa ospital si Tita Menchu, yung mom niya, teenagers pa kami noon, right after, I think I was one of the first na tinawagan niya because we were together, just two days before.

“Sabi niya, ‘Gelli, wala na si Mama.’ So ngayon, nu’ng nangyari yon kay Tito Reggie, sa daddy niya, kahit na nasa Canada ako…siyempre wala na, tapos nu’ng si Mommy…” hindi na rin natapos ni Gelli ang sasabihin dahil napaiyak na rin siya.

Si Janice na ang nagpatuloy sa kuwento ni Gelli. Ibinahagi naman niya ang araw nang mamatay ang nanay nila ni Gelli na si Susan de Belen noong March 19, 2016, at kung paano sila dinamayan nina Carmina at Candy.

Ani Janice, “When our mom passed away, itong dalawang ito (Carmina at Candy), di ba, maraming inaasikaso kapag ganoon?

“Si Mina at saka si Candy were always checking, ‘O, meron na ba kayong ganito? Kami na ang mag-aasikaso.’ Even sa times na hindi mo na kailangan magsalita, nandiyan sila.

Baka Bet Mo: Carmina inalala ang naging simula ng friendship nila ni Gelli: Nakita niya ako na parang kawawang bata sa isang event

“Sa point na Mina’s dad passed away, umabot na sa point na kami na ni Candy ang nagwe-welcome sa mga bisita,” paglalahad ni Janice.

Nagsalita muli si Gelli nang makontrol na ang kanyang emosyon, “It’s something we know na parang automatic. We’ve been together for decades. Siyempre, hindi na kailangan magsalita.

“Ako nga, I feel bad that I wasn’t there for her when Tito Reggie passed away,” aniya.

Kasabay nito, napaiyak na rin si Candy, at nang tanungin nina Gelli kung bakit ito naiyak, “E, umiiyak sila, e! Kaya naiyak na rin ako.” Kaya tawanan ang lahat ng nasa presscon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ngayon pa lang ay mukhang nangangamoy blockbuster hit na ang “Road Trip” nina Janice, Gelli, Carmina at Candy na showing na sa mga sinehan simula sa January 17.

Promising ang trailer ng movie na tumatalakay sa makulay, maintriga at nakakalokang relasyon ng apat na magkakaibigan. I’m sure lahat ay makaka-relate sa kuwento ng “Roadtrip.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending