Saab Magalona labis na nalungkot sa pagpanaw ng doktor na nagsilang sa kanya at kay Pancho
EMOSYONAL ang blogger at social media influencer na si Saab Magalona matapos niyang malaman na pumanaw na ang doktor na nagsilang sa kanyang panganay na si Pancho.
Kwento pa niya, ito rin ang doktor ng kanyang inang si Pia Magalona nang isilang siya nito.
Sa kanyang Instagram post ay nagbigay pugay at pasasalamat si Saab sa doktor na sumakabilang buhay na.
“I would like to honor Dra. Vivian Siodora who sadly passed away last night.
She delivered me when I was a baby and here she is holding Vito right after she delivered him,” saad ni Saab.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, si Dra. Siodora rin ang nag-alaga at umalalay sa kanilang dalawang mag-asawa noong mga panahong ipinagbubuntis nila ang kanilang pangalawang anak.
Matatandaang naging emosyonal at mahirap para kay Saab ang kanyang ikalawang pagdadalangtao dahil sa nangyari noong unang pagbubuntis niya kung saan pumanaw ang twin sister ni Pancho na si Luna.
“I will never forget how she prepared us so well and got us through our trauma. Eternally grateful for you, Doctora. May you rest in peace,” pagpapatuloy ni Saab.
Marami rin sa kanyang followers ang nalungkot dahil gaya nila, naging parte rin ang doktor ng kanilang buhay.
“Praying for you dra. She delivered me and the rest of my siblings, cousins, my son and my nephew too. Rest in peace dra. Siodora,” pagbabahagi ng isang netizen.
May isang netizen rin ang nag-comment sa post niya na dating nakatrabaho ng doktora.
“I had an honour of working with her at Christian Medical Specialist. She helped me when I had bleeding on my only child now 13 although I’m away from home. RIP Doc Siodora. Heaven gains another angel,” saad nito.
Related Chika:
Saab Magalona nag-celebrate ng 4th birthday ni Pancho, inalala rin ang pumanaw na anak
Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.